Chapter 3.5

8 5 0
                                    

Pagkatapos ng break time ay pumunta ako sa library para magreview pero maya maya'y may narinig na naman ako sa isip ko

Pinikit ko muna ang mata ko para marinig ng maayos yung sinasabi sa isip ko

"Pssst"

"Nababasa mo ba talaga isip ko?Paano?At sino ka?"tanong niya sa isip niya

Nasan kaya yun?

Dinilat ko ang aking mga mata at nagpalinga linga sa paligid at sa di kalayuan ay nakita ko ang mga babaeng nagkukumpulan sa isang table sa library

Pinikit ko ulit ang aking mata at kinausap yung nagsasalita sa kaniyang isipan

" Ikaw?Nasan ka ba?At sino ka din muna?"tanong ko dito

Dinilat ko ulit ang aking mata at nagreview ng mga diniscuss ng mga prof namin

"Nandito ako sa library napapalibutan ng mga babae.Ako nga pala si Tyler pwede mo ba kong tulungan makaalis dito sa madaming tao na toh" pakiusap niya

"Kung kaya ko pero once na tinulungan kita dapat maging mabait ka para na rin sa pasasalamat mo sakin" sabi ko sa kaniya sa aking isipan

Tiningnan ko ang mga babaeng nakapalibot "daw" sa kaniya at sinabi ang mga salitang...

"Layuan niyo ngayon ang lalaking yan...kung jojowain niyo yan di kayo masisiyahan dahil supot yan" seryoso kong bulong sa kanilang lahat gamit lamang ang aking isipan at maya Maya pa ay nagsialisan na silang lahat

Ayun lang ang paraan para lumayo sa kaniya yung mga babaeng yun kaya ayun ang ginawa ko hahaha

Nakita ko naman na napangiti siya at nagpalinga linga kaya agad akong napatakip ng libro sa aking mukha

Baka mamaya huntingin ako non

Unti unti kong binaba ang librong nakatakip sa mukha ko at yung lalaki na yun ay nakaalis na

Pangalawang beses ko ng natulungan si Tyler siguro huling tulong ko na ito sa kaniya

Haayyyyy...

Niligpit ko na ang aking mga gamit at lumabas na ng library.Pumunta ako sa CR ng girls at isang pitik ko lang ay nasa bahay na kaagad ako

Ipapahinga ko na lang lahat ng pagod ko ngayong araw na ito.

Sana makalimutan ko na rin itong nararamdaman ko Kay Tyler dahil wala rin naman akong pagasa

The Magic I WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon