Pagkagising ko ng umaga ay syempre ang daily routine ang laging bungad
Ligo kain bihis...
Thursday pa lang ngayon kaya ilang araw pa bago ako makapagpahinga ng mahabang oras
Kinuha ko na kaagad ang aking baon at nagcommute papuntang school
Pagkapunta ko ng school ay nagkakagulo na naman sa ground
Ano na naman toh?
Kumakanta na naman siguro sila Tyler haaayyyyy
Dapat ko na nga pala siyang kalimutan dahil di na ko aasa pang magkakagusto siya sakin
"Attention everyone!"sigaw mula sa stage
Nagtilian naman ang mga kababaihan sa paligid ko
" May hinahanap akong isang tao...isa siyang babae"napahinto naman ako sa paglalakad ng marinig ang boses na iyon
Di ako nagkakamali boses ni Tyler yun
Nagpatuloy na lang ako sa pag akyat papuntang room at nang nasa second floor na ako...
"Please magpakita ka sakin" boses mula sa aking isipan
Si Tyler na naman ba toh?
Pumunta ako sa may dungawan dito sa second floor at andaming estudyanteng nakadungaw para makita si Tyler.
Nakisiksik ako at tiningnan kung ano ang ginagawa ni Tyler.
"Kung sino man yung babaeng tumutulong sakin please magpakilala ka na"seryoso niyang sigaw mula sa stage
At andaming babaeng nagtilian at nagtaasan ng kamay
" Kung sino ka man please mamayang break time pumunta ka sa music room"pakiusap niya at saka bumaba ng stage
Yung mga kababaihan naman ay nagbulungan at nagtilian
Ako ba yung tinutukoy niya?