Ngayon nandito na ako sa may garden sa taas ng puno dahil kahit saan ako pumunta ay may nambubully sakin
Binuksan ko ang aking lunch box at tiningnan ang baon kong pagkain
Isang scrambled egg at kanin
Araw araw ganto na lang palagi ang baon ko baka sa susunod kakakain ko nito magkasakit ako
Scrambled syndrome 😂
Pinikit ko ang aking mga mata at nagdasal bago kumain at sinabi sa aking sarili na sana'y maging manok ang aking ulam
"Tiktilaok!" Napadilat ako sa narinig ko
Pagkatingin ko sa baunan ko ay may manok!
Nagkatotoo yung sinabi ko?Pero bakit buhay na manok?
"Manok maging fried chicken ka!" Sigaw ko dito at Maya Maya pa ay naging fried chicken siya
Wow!
Siguro may powers ako?
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga ako saglit at pinikit ko ang aking mga mata
Inisip ko na nasa isang lugar ako na payapa at nahuhulog ang mga dahon sa mga puno sa sobrang kapayapaan
Dinilaat ko ang aking mga mata at napatingin sa aking paligid dahil ang mga dahon ay nagsisihulugan na para bang may taglagas dito sa pilipinas.
Napatingin ang mga estudyante at kaniya kaniya silang selfie
Nakaisip ako ng idea kung pano ko sisimulan itong kapangyarihan kong ito.
Patago akong bumaba ng puno at tumakbo papuntang library
Hinanap ko kaagad ang mga librong tungkol sa magic at tungkol sa mga powers
Hiniram ko ito mula sa library at inuwi ko ito sa bahay
Bago ako matulog ay binasa ko muna ang mga ito at natulog na