Pagkagising ko ng umaga ay isang pitik lang ang ginawa ko at pagkadilat ko ay nasa CR na akoAlam ko na kung paano gamitin ang kapangyarihan ko
Pero bakit ako may ganitong klase ng kapangyarihan?
Para ba tumulong ako sa mga nangangailangan na katulad ng ginagawa nila Thor?Superman?At Victor Magtanggol?
Nag asikaso na ako para sa pagpasok at nanghingi na ako ng baon kay mama ngunit 50 pesos lang ang binigay sakin at kinuha ko na ang aking lunch box at lumabas na ng bahay
Nagcommute ako papuntang school at nakita kong nagkakagulo sa ground at agad akong tumakbo ngunit pagkapunta ko pa lang doon ay unti unting bumagal ang mundo ko...
Aking sinta~
Ikaw na ang tahanan at mundo~
Mundo'y magiging ikaw~Nagsisitilian ang mga kababaihan at ang mga kalalakihan ay sumasabay sa kanta nila
Anong grupo sila?
At tinitigan ko ang vocalist ng kanilang banda
Bakit parang nabihag niya ang puso ko?
Sino siya?
