Pagkatapos kumanta ng bandang iyon ay nagsibalikan na kaming lahat sa room at nagulat ako na kaklase ko pala silang lahat at nang makapasok sila sa room namin ay nagsitilian yung mga kaklase kong babae
Ako naman nahihiya ako at napainom ako ng tubig dahil sa kaba na aking nararamdaman
Anong nangyayari sakin?
Nalove at first sight ba ako sa kaniya?
Umupo na sila sa mga upuan nila at magkakatabi pala sila sa harap ng kinauupuan ko
Sa tagal ko ng nandito ngayon ko lang sila napansin?
Masyado kase akong busy sa pag aaral kaya siguro hindi ko sila mapansin haayyyy...
Di niya naman ako siguro mapapansin
Kase sabi nga nila isa lang naman akong nerd
Dumating na ang aming prof at nagdiscuss about oral communication at pumikit ako saglit
Sinubukan kong pakinggan kung ano ang sinasabi ng mga kaklase ko sa isipan nila
"Di na naman sila nakikinig..." sa tingin ko sa prof namin ito.
"Gosh!Ang gwapo talaga ni Tyler!" siguro yung isa sa mga babaeng tumitili kanina
"Ang boring naman dito" napadilat ako ng isang Boses ng lalaki ang nabasahan ko ng isip
Tiningnan ko isa isa ang mga kaklase ko at napukaw ng aking pansin yung vocalist ng banda kanina
Ano kayang pangalan niya??
Tiningnan ko siyang mabuti para makuha ang information tungkol sa kaniya at nakita kong Tyler Lee ang pangalan niya
Ang sport niya ay basketball at mahilig siya maggitara at takot siya sa dilim?
"Ms.Jacob?"
At syempre isa siya sa vocalist ng bandang Hey!
Akala mo nagtatawag yung pangalan ng grupo nila
"Ms.Jacob?!"sigaw ni mam at doon lang ako bumalik sa wisyo
"Please stand up" seryosong saad ni mam at agad akong napatayo
"What is feedback?" tanong niya
"The feedback is the response of the receiver to the sender" at umupo na ko
Pinalakpakan naman ako ni mam
"Okay Mr.Lee stand up"pagkasabi non ni mam ay agad akong napatingin kay Tyler
Tumayo siya agad at seryoso lang siya di mo makikita na kinakabahan siya ngayon
Pero ako nakikita kong kabado siya
