PAPEL

5.8K 281 125
                                    

P.S

Dedicated to sa kanya kasi siya yung 100th fan ko. Tsaka, nauna kasi akong makapangako sa kanya. Hehe. Subuk - subok lang kung kaya ko pang magpatawa.

Enjoy!

Papel

ni: CorrectionFluid

Pengeng papel.
Pengeng 1/8.
Pengeng ¼.
Pengeng ½.
Pengeng 1 whole.
Pengeng ...


"OH ANO?! One whole naman ngayon?! Anak ka ng teteng!"

"Anak ako ng nanay ko. E, sige na kasi .. one whole lang e."

"Bakit di mo na lang kaya angkinin yung papel ko? Nahiya ka pa talagang manghingi 'no?"

"Pwede rin. O kaya naman, ikaw na lang ang aangkinin ko."

"ANO?!"

"WALA. Sabi ko, penge na kasing papel."

"May pambili ka ng iPhone 4s, pero yung bente pesos na pad paper, wala?!"

"Iba naman yun. Kaya sige na, please?!"

"Tumigil ka ng kagaganyan mo, Jet!"

"Ito naman! Umagang – umaga ang init ng ulo!"

"Kung ikaw ba naman yung may katabing tetano, hindi ba umakyat lahat ng dugo mo sa ulo?"

"Ang gwapo ko namang tetano!"

"Ang yabang kamo!"

Sa huli ako rin ang nagwagi. Wala na siyang nagawa at inabot din niya yung isang piraso ng papel na hinihingi ko.

Ganito kami lagi.

Tuwing umaga, hihingan ko siya ng papel. Basta, kahit na anong sukat. Mapa 1 whole, ¼, ½ lengthwise o crosswise at minsan, kahit 1/8 pa nga. E sa totoo naman kasi na wala akong papel e.

Hindi naman ako dukha. Narinig niyo naman siguro doon sa babaeng halimaw na iPhone 4S ang gamit kong telepono. Sadyang tamad lang akong pumunta sa mga tindahan at bumili ng kung anu – anong maligno na ginagamit ng mga tunay na estudyante.

Pero, hindi lang naman yun ang rason ko kung bakit humihingi ako sa kanya ng papel. Liban sa pinaghahandaan ko kung sakaling may surprise quiz kami, may ginagawa rin akong kababalaghan doon sa bawat papel na hinihingi ko.

Gusto niyong malaman kung ano?

E, basta sa ngayon, sakin na lang muna yun. Pag ayos na ang lahat, pangako, sasabihin ko rin sa inyo. Sa ngayon, mainip na lang muna kayo sa bawat kwento ko ukol doon sa babaeng halimaw na walang ginawa kundi ang mayamot sa pagkatao kong gwapo.

***

KLASE namin ngayon sa Trigonometry at napansin kong kanina pa malayo ang tingin nung babaeng halimaw na ikinukwento ko sa inyo. Bihira lang siyang ganyan, kaya naman aaminin ko, nag – aalala 'ko.

Madalas kasing maingay yan at dada ng dada .. tuwing recitation. Partida, Math pa yung subject na sobrang kinaaadikan niya. Kaya naman sobrang nakakapagtaka lang kung bakit biglang naging mahinhing Maria Clara 'tong babaeng 'to na pinaglihi kay Valentina.

Pag naman kinulit ko 'to ... nah, wag na. Baka kasi bigla na lang niyang ihambalos yung arm chair sakin pag kinausap ko e.

Kaya naman ang ginawa ko, oo na! Sabihin niyo ng baduy kung baduy, pero sinulatan ko siya.

Usapang LasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon