BYAHE

1.9K 68 36
                                    

BL, BI

ni: CorrectionFluid

Ika – 12 ng Abril, taong 2012.

Byaheng langit. Byaheng impyerno ...

….

HINDI ko naman akalain na aabot sa ganito ang lahat. Minsan, naiisip ko kung gaano na nga ba kalayo ang itinakbo ko, kung gaano na nga ba kalayo ang ibinabyahe ko mula sa lugar na aking pinanggalingan. Kung tutuosin, hindi lang naman ang layo at distansya ang kailangang gawing basehan kung lawak ng pangunawa ang paguusapan.

Madalas akong ganito.

Naguguluhan. Lito. Kinakausap ang sarili. Minsan naiisip ko kung normal pa ba ‘ko o ano. Sa haba kasi ng byahe ko, parang wala akong nararating. Patuloy lang sa pagbyahe, sa pagaksaya ng pamasahe. Patuloy lang sa paulit – ulit na pagsakay sa ibat – ibang sasakyan. Paulit – ulit na ruta. Walang pagbabago mula noon hanggang ngayon.

Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa.

May mga pagkakataon din naman na hindi lang lungkot ang pamasahe ko. Minsan, nahahaluan ng kakarampot na ligaya. Minsan naman, hindi inaasahan pero may mga kakaibang bagay na nangyayari, nadadagdagan tuloy ang pamasahe ko. Nakakatawa, pero kung titingnan mo ang bawat tao sa paligid ko, akala nila alam na nila ang lahat tungkol sa akin.

Ang hindi nila alam, marami pa akong barya. Mas marami ang pamasahe kong barya kaysa buo.

Oo, kinakausap ko pa rin ang sarili ko. May mga pagkakataon nga na kapag nakasakay ako sa sasakyan, naaaliw akong pagmasdan yung haba at lawak ng dinaraanan ko. Naiisip ko na lang na sana, biniyayaan din ako ng ganoong kahabang pasensya, pangunawa at higit sa lahat, pagmamahal.

Alas nuebe na pala ng gabi.

May nangyari kasing hindi inaasahan. Akala ko, maayos na ang byahe ko ngayong araw. Hindi ko alam na may nagaabang pala sa aking kamalasan.

Habang bumabyahe kasi ako, nagkulang ang dala kong pamasahe. Nakakatawa. Akala ko sakto yung barya ko. Hindi pa man din ako nagdala ng buo. Pagkakita ko sa laman ng bulsa ko, doon ko napansin na hindi pala sapat ang barya.

Nakakaloko lang yung pangako ko sa sarili ko na hindi na ‘ko iiyak, dahil habang tumitipa ang bawat daliri ko sa kompyuter na ito, doon ko napansin na tumutulo na ang luha’t sipon ko. Hindi ko alam kung saan ba ‘ko matatawa: doon sa katotohanang umiyak ako dahil sa kamalasan o doon sa kasinungalingang pinipilit kong isipin na matatag at matigas na ang damdamin ko dahil sa dami ng aking pinagdaanan.

Usapang LasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon