PAMBURA last part

2K 116 37
                                    

***

 

EPAL lang din talaga ng tunay yung internet namin e. Akalain mong biglang mawala kung kelan nasa mood na kong sumagot?

Kung hindi ba naman bastos, bigla – biglang nawalan ng signal?!

Tengene. Pag ako naasar na ng tuluyan, ipapaputol ko na ‘to. Lilipat na rin ako ng PLDT dahil mistulang pagong narin sa kabagalan itong service provider namin.

Anyway .. Nabibwisit ako. May gusto akong gawin.

Sasagutin ko lahat – lahat ng mensahe at sulat sa MB ko.

Lalung – lalo na yung kabullshitan na nabasa ko.

Gagong CorrectionPen yun.

 

Gusto ko sanang murahin e. Tipong papalamunin ko ng mura. Naiinis ako sa kanya ng bonggang – bongga.

Bakit?!

Simple lang.

Oo, alam kong usung – uso na yung mala – PBB Teens na istorya. Yung tipong ang buhay – pagibig e parang sa commercial ng AyosDito.com na isang click lang, may solusyon na sa pagiging tigang mo ... Hanap. Usap. Deal.

 

E pasensya siya. Hindi ako ganong klaseng tao. Hindi ako 16 year – old teener na magtataasan lahat ng di dapat magtaasan dahil sa kakiligang dulot niya.

At higit sa lahat, hindi ako cheappanggang (*cheap) babae para bumigay sa lahat ng kalokohang naiisip ng Barabas na yon.

Oo, old fashioned na kung old fashioned pero walang basagan ng trip.

Kung manliligaw siya sakin, sana, isinaisip niya ‘to .. kung sakaling may isip nga talaga siya.

Una, ni hindi ko nga siya kilala. Hindi ko alam kung saang lupalop siya nakatira, hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ba siya at hindi ko alam kung anong likaw ng bituka niya.

Pangalawa, major turn off para sakin yung mga lalakeng walang balls. Pucha, manliligaw na lang, kailangan pang gamitin ang wattpad?! Wala ka bang buto?! Wala ka bang paninindigan?

Pangatlo, bakit kailangan pa niyang gamitin ang mga fans niya para sa kabullshitan na naiisip niya? Peste. Ang malala pa roon, lakas ng loob niyang manligaw e ni hindi ko nga alam kung tao ba siyang talaga. Ayokong magalit sa mga kaibigan ko a, pero nababadtrip ako ngayon. Seryoso.

Panghuli, ipakita niya sanang lalake siya. Kahit kailan, hindi tama ang manligaw sa internet, world wide web at online world. Maling – mali yan. Simbolo yan ng kahuwadan.

Dahil kung hindi ka peke at tunay ka talagang lalake, hindi mo na kakailanganing gamitin ang kung ano mang bagay, tao, pook at hayop para lang maipahiwatig mo yung tunay mong intensyon doon sa babae.

Usapang LasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon