PAYONG
-Ni: CorrectionFluid-
Tumila na ang ulan.
NAPAKAHABA na ng pila sa Quiapo ilalim. Maraming pasahero na ang naiinip dahil sa hindi malamang dahilan, nahuli sa kauna – unahang pagkakataon ang inaabangan nilang mga FX. Pasado otso y media na, at dinig na dinig na rin ang pagkalam ng sikmura ng mga taong alas syete pa lang ay nagtiyaga ng pumila sa harapan upang makarating sa kanilang mga bahay ng mabilisan.
Isa sa minalas na maghintay sa pilang nabanggit ay si Ket. Mag - aalas sais pa lang ay nakatayo na siya doon at naghihintay. Maagang natapos ang kanyang klase kaya naman umaasa siyang makakauwi agad upang magawa ang mga gawaing nakatakda. Nakataas na rin ang magkabila niyang kilay dahil sa halu – halong pagkainip, pagkagutom at pagkainis.
“Manong, anyare sa mga ka – tropa niyong driver? Kanina pa kami dito a?!” wika ni Ket.
“Oo nga! Magdadalawang oras na kaming nakapila dito oh!” sagot naman ng aleng nasa harapan niya.
“Easy lang po, pasensya na at na – trapik sila sa may bandang Mandaluyong.” si manong.
“Manong, hindi naman kami makakarating sa bahay niyang pasensya niyo e.” naiinis na sabat niya sa usapan.
Kung tutuosin, mahigit tatlong oras na siyang nakapila, hindi gaya nong iba. Ang dami ng nasayang sa oras niya, oras na sana .. naigugol na lang niya sa paggawa ng mga bagay – bagay.
Lumipas ang limang minuto. Sampu. Hanggang sa sumapit ang ika – labinlima.
Biglang gumuhit ang isang matalim na kidlat at dagling dumagundong ang kalangitan.
At dito, biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Mabuti na lang at may dala siyang payong. Dahil kung hindi nakaalis na siya ng pila upang humanap ng masisilungan.
“Miss, pasukob ha.”
Napatingin na lang siya doon sa nagsalita.
“Sige. Buti na lang, malaki ‘tong payong ko.”
“Tagal nung mga FX no?”
“Oo nga e. Tapos umulan pa. Malamang, lalo pa silang matagalan.”
BINABASA MO ANG
Usapang Lasing
General FictionKwentu-kwento lang 'to na kung anu-ano. Kung interesado ka, eh di basahin mo. Tama na 'yan, inuman na. 'Oy pare ko, tumagay ka.