PANGAKO
Ni: CorrectionFluid
Kung tayo’y matanda na,
Sana’y di tayo magbago ..
Kailan man, nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko ...
“ANG ganda talaga ng boses mo.” Sambit niya sayo.
Napangiti ka dahil sa pagpuri niya sa ganda ng kanta mo. Tumaba na naman ang puso mo dahil sa narinig mo.
Hindi talaga siya pumapalya sa paggawa ng mga bagay na tunay na makapagpapangiti at makapagpapasaya sayo.
Wala ka nang hahanapin pa. Lahat – lahat na ng nanaisin mo sa isang mamahalin, binigay na lahat sayo. Ang pagmamahalan niyo ay tunay, wagas at perpekto.
“Salamat. Syempre, para sayo talaga yan.” Sagot mo sa kanya.
Namula ang pisngi niya dahil sa sagot mo. Hindi mo alam kung bakit, pero sa nakikita mo ngayon sa kanya, mas lalo kang natutuwa, mas lalo kang sumasaya.
Mas lalong umaapaw ang pagmamahal mo sa kanya.
Sa panonood niya sayo, doon mo naalala lahat ng alaala .. kung paano kayong nagsimula, kung paano kayo nagkakilala hanggang sa kung paano kayong humantong sa seryosong relasyon na siyang pinapangarap mo.
***
IKALAWANG taon niyo pa lang sa kolehiyo nang magkakilala kayo. Simple lang ang araw na ‘yon, akala mo, normal lang ang lahat .. humahangos ka pa nga pauwi dahil gustung – gusto mo ng makapagpahinga at maramdaman ang lambot ng kama sa likod mo.
Nagkabanggaan kayo dahil sa di – inaasahan at sinasadyang pagkakataon. Magaan agad ang loob mo sa kanya sa unang pagtatama palang ng mga mata niyo. Natuwa ka dahil naulit sa isang normal na sitwasyon ang pagkikita niyong dalawa. Hanggang sa inaya ka niyang lumabas. Na nasundan, at nasundan pa.
At sa ika – dalawamput – walong araw ng buwan ng Setyembre, naging opisyal ang pagmamahalan niyo.
Wala kayong naging problema. Naging malinis at mapang – unawa ang relasyon niyong dalawa. Perpekto, ika nga ng nakararami. At pag may nagtatanong kung anong sikreto at tila, wala kayong pinagkaka – samaan ng loob ay ito lagi ang sagot niya:
BINABASA MO ANG
Usapang Lasing
General FictionKwentu-kwento lang 'to na kung anu-ano. Kung interesado ka, eh di basahin mo. Tama na 'yan, inuman na. 'Oy pare ko, tumagay ka.