A/n: Wag mag - expect. Hindi ako magaling tulad ng ibang manunulat ng horror/suspense/thriller na kategorya. Ginawa ko ang istoryang 'to para matanggal ang hilo't sakit ng ulo ko. Kaso, mas lalo ata kong nahilo dahil sa kinalabasan nito.
Inuulit ko, pasensya na ho kung epic fail. Salamat.
EROPLANO
Ni: CorrectionFluid
Dahil sa bawat paglipad ng eroplanong ‘to ..
“TONY, matulog ka na. Maaga pa tayo bukas.”
“Sige po, ‘ma. Maya – maya po, aakyat na ‘ko.”
Pinauna mo ng umakyat ang nanay mo sa kwarto. Iniiwasan mo siyang mapuyat dahil maaga pa bukas ang luwas niyo. Alam mo sa sariling mahirap ang magbyahe bukas dahil sa pagdagsaan ng samut – saring pasehero.
Napatingin ka na lang sa orasang nakasabit sa dingding niyo. Pasado alas – dose na pala ng hatinggabi. Mamayang alas – singko ay nakatakda kayong lumuwas para pumunta sa sementeryo.
Todos los Santos.
Ito ang okasyon na siyang tanging dahilan kung bakit magba – byahe kayo ng nanay mo. Tulad ng nakagawian, dadalawin niyo ang mga mahal niyo sa buhay na sumakabilang – buhay na. Aalayan niyo ng kandila’t bulaklak ang mga puntod nilang sa mahabang panahong lumipas ay mas makukonsiderang kinalimutan na.
Tik tak.
Tik tak.
Tik tak.
Dinig na dinig mo ang paggalaw ng maikling kamay ng orasan. Agad na tumulo ang butil – butil ng pawis na sinusubukan mong pigilan. Ilang segundo na lang bago mag – alas dose ng hatinggabi.
Kinakabahan man ay napalingon ka na lang sa nakabukas na bintana. Malapit na.
Tik tak.
Tik tak.
Tik tak.
Kasabay ng mala – dagundong na pagtunog ng orasan ay ang pagtulo ng pinakamalaking butil ng tubig na siya mong iniiwasan. Malapit na nga.
Marahas kang napabuntong – hininga.
BINABASA MO ANG
Usapang Lasing
General FictionKwentu-kwento lang 'to na kung anu-ano. Kung interesado ka, eh di basahin mo. Tama na 'yan, inuman na. 'Oy pare ko, tumagay ka.