RESTRIKTED

375 33 16
                                    



RESTRIKTED

ni: CorrectionFluid

Kung magkakaroon ng pangalawang pagkakataon ang lahat ng tao sa mundo, para saan pa ang batas?

IYAN ang tanong mo sa akin noong nagkaroon ng simpleng debate ang klase. Ako man ay biglang naguluhan at tila bahagyang nainis sa tanong na ipinimalas mo.

Aaminin ko, matinding logic ang kailangan para masagot ang tanong mo. Mukhang lahat ng mata sa klase ay nag-aabang sa isasagot ko, nag-aabang kung paano ko tatablahin ang pangahas na katulad mo.

Mukha ka pang nang-iinis noong mga panahong 'yon. Nakataas ang isang kilay mo at may naglalarong ngisi sa mga labi mo. Lalo tuloy tumindi ang nais ko na tablahin ka... pero ang nag-iisang tanong na hindi ko kayang bigyan ng sagot... paano?

Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa inyong lahat. Sinambit ko ang mga katagang nagsasabi na bibigyang sagot ko ang naiwang tanong kapag nagkaroon pa ng pagkakataon.

Kung kaya naman hinintay ko na lang ang senyales na hinihintay ng lahat, ang senyales na magbibigay daan sa paglabas ng lahat ng tao sa kwarto.

Hinihintay ko na mauna kang lumabas at sundan ang mga kasama mo. Pero nagulat na lang ako nang bigla kang lumapit sakin at diretsong tumitig sa mga mata ko.

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko noong araw na 'yon. Parang may kung ano sa dibdib ko na nagdulot ng matinding kaba. Marahas akong napailing.

Imposible.

Hindi pwede.

Binitbit ko na ang mga dalahin palabas ng kwartong iyon. Isa lang ang nasa isip ko habang humahakbang ako pababa sa hagdan.

Totoo nga ang sabi nila.

Pangahas ka ngang talaga.

Isang beses, nakapagbasa ako sa Facebook ng isang artikulo na mukhang magiging sagot sa tanong mo. Pinuntahan ko ang web page kung saan nakasulat ang artikulo. Kokopyahin ko pa lang sana ito nang biglang tumunog ang Messenger ko.

Nagulat na lang ako ng pangalan mo ang rumehistro.

At heto, nakaramdam na naman ako ng pesteng kaba... dito sa dibdib ko.

"Pwede po bang maka-istorbo, magandang gabi po," iyan ang sinabi mo.

Nagtatalo sa isip ko noon kung sasagutin kita o hindi na lang kita papansinin. Sabi ng mga magulang ko, kailangang maging matalino ako lagi sa pagpili. Anumang magiging bunga ng desisyon ko ay resulta ng pagsunod ko sa tama at pag-iwas sa mali.

Dala-dala ko ang isiping ito mula pagkabata hanggang sa nagka-isip ako. Hindi ako kailanman pumalya sa pagpili, sa pag-alam ng tama at mali. Lahat ng mga bagay na nangyayari noon sakin ay ipinagpapasalamat ko. Pangalawa sa Diyos, utang ko sa kanila kung bakit at paanong lumaki ako ng ganito.

Kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko nang bigla kong i-click ang icon mo, at binasa ang anumang mensaheng nakapaloob dito.

Kitang-kita sa icon mo kung gaano ka kamisteryoso. Matatapang ang mga singkit mong mata, at lalo pa itong pinatapang ng morenong kutis mo. Sakto lang ang gupit mo, bagay na bagay sayo... at lalong nagbibigay-buhay sa tindig mo. Kung ikukumpara naman sa lahat ng kasama mo, masasabi kong ikaw na ang pinaka-matipuno.

Lalakeng-lalake ka. Sa madaling salita.

Ilang minuto na ang lumipas. "Seen" ang indikasyon na nabasa ko na ang mensahe mo. Ang dalawang pangungusap na nauna ay nadagdagan pa. Ikinabit mo pa ang "Hello?" sa mga bagay na sasagutin ko.

Usapang LasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon