PAMBURA second part

2.1K 105 40
                                    

***

 

ANAK naman ng tipaklong oo. Nakakainis lang talaga ng tunay yung isang minor namin e. Kung anu – anong kamalignohan yung pinagagawa.

Eto, matapos ang tatlong oras na turo, bumalik ako sa library ng high school para makahanap ng references. Meron kasi kaming pa – importanteng paper na kanina lang na – announce na kailangang tapusin mamayang gabi na kailangan ding ipasa bukas. =___=

Oh diba!? Anong sinabi ng Law of Readiness sa paglabag sa batas ng prof ko?!

 

Hmmm ..

Basa ..

Buklat ..

Hanap ..

 

“If something is bound to happen, it will happen, even with less effort.”

 

Ayos ‘to ah?! Oks na kaya ‘to para sa homework ko?! Totoo naman diba?! May tamang panahon ang lahat ng bagay. Hmm de, sige marami pa diyang pwede .. makahanap pa nga ng ibang quotation.

“Time heals all wounds they say, unless all the batteries in your clock are drained.”

 

HAHA! Laughtrip ‘tong pangalawang nabasa ko. Nak ng tokwa. Nga naman .. Pwede naman kasing mag move on na at wag ng magkulong sa nakalipas. Tsk. Tsk.

“Growing old is mandatory; Growing up is optional.”

 

Ayos din ‘to a?! Lahat nga naman tayo, nagkaka – edad .. pero ang tanong, may pinagkakatandaan ba?! Maganda na sana ‘to kung wala lang “sabit” na buhay – pagibig yung topic ko e. Nak kasi ng tokwa.

“Love is not blind. It sees but it doesn’t mind.”

 

Waaah! Ang cute ne’to! :””> Oy oy! Yung mga hopeless romantic na waiting in vain ang peg, nakakarelate tiyak sa quote na ‘to. Bwahahaha! Isasama ko na nga rin ‘to! Totoong – totoo e!

“Love has questions even the answers to it are unknown.“

 

Kemerloo! Ang daming alam! Hahahaha. Masyadong inlove siguro yung nagsulat ng mga quotations dito. Nak ng galunggong, wala pa kong nababasa ukol sa family, friendship—

 

--“Quotations 101?!”

 

Syet.

May nagsalita sa likod ko.

Wag kang lilingon.

 

Sinabi na ngang wag e.

Usapang LasingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon