SAMBAKOL ang mukha ni Clarissa ng bumalik sa pwesto niya,naiinis siya sa antipatikong lalakeng yon na ang angas pang tingnan na akala mo pagmamay ari niya itong buong mall grabe ang yabang na napakabastos pa,humanda talaga yan kapagka mag krus ulit ang landas natin.Galit pa rin siya at kaagad niya hinanap ang kaibigan niyang si Monica.
"Elise nasaan si Monica?tanong niya sa kasama nila.
"Ah sa opisina ng manager"
"Ha?bakit daw may problema ba?
"OO eh may naka sagutan siyang costumer kanina"
"Hay naku mga costumers talaga pare pareho lahat sila na nga tong may mali sila pa ang may ganang magpatawag ng disciplinary action"naiirita niyang wika.
"Hindi ganon yon Clarissa"
"Eh anong problema bakit siya pinatawag ng manager?
"Eh kasi yung naging costumer niya eh anak pala ng may ari nitong mall"
"Ha!?naku patay!aniyang nag aalala para sa kaibigan.
"Narinig ko nga pinapatanggal ng lalakeng yon kay Sir si Monica"
"Naku huwag naman sana matanggal si Monica mahirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon"
"Kaya nga eh"
Instead na nag aalburuto siya ng galit para sa lalake kanina ay napalitan ng pag aalala para sa matalik niyang kaibigan,paano kung tanggalin nga ito sa trabaho nito?Palakad lakad siya habang hinihintay bumalik ang kaibigan at nawala na tuloy sa isipan niya ang antipatikong gwapong mokong na yon.Ay juicecolored gwapo daw si Ateng nakita ang kaguwapohan ng antipatiko.pilig ulo upang mawala sa isipan niya.
Habang sa opisina ng manager ay tahimik nakaupo si Dominic sa upuan ng manager sabay nakatungtong ang dalawang paa sa taas ng mesa habang si Monica naman at manager ay nakatayo lang din sa harap ng mesa.
"Why she's still here?pointing his finger to Monica.
Sasagot na sana ang manager pero kaagad nagsalita si Monica.
"Sir..I'm sorry po hindi ko po sinasadya ang ginawa ko kanina,ginawa ko lang po ang tungkulin ko bilang sales lady dito"aniya sa lalake.
"So?
"Nagmamakaawa po ako sa inyo Sir na huwag ninyo akong tanggalin sa trabaho ko"
"Pack your things and go"
"Sir?ani ni Monica.
"Ahm Sir Dominic maaari nyo po ba siyang bigyan ng isang pagkakataon?Huwag ninyo po sanang mamasamain pero hindi po ba na tama din ang ginawa ng employee ko ayon sa mga rules natin dito sa mall nagkataon lang po na kayo ang nasita niya"ani ng manager.
Tiningnan ni Dominic ang babae na kulang nalang ay iiyak ito saka niya naalalang magkatulad ang suot nitong uniporme sa babaeng nakabanggaan niya kanina.So means dito rin nagtatrabaho yung sadistang babae na sa maiksing minuto lang nagawa siyang sampalin ng ilang beses at first time in his life nasampal ng babae at hindi niya pa kilala.Interesado tuloy siyang makita muli ang babae na kanina pa hindi naalis sa kanyang isipan dahil sa taglay nitong kagandahan.Kaya naman sumilay ang ngiti sa labi niya at tumayo mula sa pagkakaupo at nakapamulsa itong humakbang palapit sa babae.
"Okay I fix my mind you stay here and you did a good job"aniya sa babae.
Diretso namang napatingin si Monica sa lalake at tila inaalam kung seryoso ba ito o hindi dahil kanina lang sobrang galit ito sa kanya pero ngayon ang amo na ng mukha ang bilis naman magtransform.
BINABASA MO ANG
Ang Kahapon
Short Story*******""""""*************"""******* Teaser *******"""""""*************""""""""""" KUNG mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat para sa kanya,ibigay lahat ng mga bagay na makakapagpaligaya sa kanya na kahit puri mo pa ay handa mong isuko p...