HINDI pumasok sa trabaho si Clarissa dahil medyo nagkapasa ang bibig niya dahil sa sampal ng kanyang Tatang,tumungo din naman ito sa bukid pagkatapos siyang pagalitan dahil ayaw daw nitong makita ang pagmumukha niya kaya umalis kahit galit pa rin ito."Patawarin nyo po ako Nanang"aniya pagkatapos niyang magdamit.
"Nagagalit din naman ako Clarissa pero kailangan kitang intindihin kahit mahirap"
"Salamat po Nang"mahina niyang wika.
"Clarissa sana wala kang pagsisisihan sa ginawa mo"
Tumingin siya sa kanyang Ina sabay hinawakan sa kamay.
"Nang galit po ba kayo kay Dominic?
"Nagagalit pero wala akong magawa dahil ginusto mo kung ano man ang nangyari sa inyo"
"Mahal ko po siya Nang"
"Alam ko pero anong magagawa natin nangyari na yan"
Niyakap niya ang Ina at sa isip niya ang Ina ay Ina talaga na nakakaintindi sayo pero nag aalala pa rin siya sa kanyang ama dahil nagagalit pa ito sa kanya.
Samantala sa Department Store ay hinanap ni Dom si Clarissa sa kaibigan nitong si Monica.
"Is Clarissa not here yet?tanong niya sa dalaga.
"Hindi pa nga eh ewan ko ba sa babaeng yon"sagot ni Monica.
"Okay thank you"aniya saka umalis na.
Diretso siya sa parking lot upang puntahan ang dalaga sa bahay nila,habang sa daan ay tumunog ang kanyang cellphone at sa tao sa Mansion ang tumawag.
"Yes?sagot niya.
"W-what?aniya.
"Okay!okay I'm going home now..bye!aniya.
Saka diretso umuwi ng Mansion at hindi na pinuntahan ang dalaga dahil sa matinding pag aalala.Ilang minuto pa ay nakarating na siya sa Mansion at may ambulance ng nakaparada sa gate ng kanilang Mansion.Kaya mabilis siyang pumasok sa loob at nakita niyang abala ang Doctor at nurse nag aasikaso sa kanyang Papa Gustavo.
"M-mama what happened?tanong niya sa Ina.
"Inatake nalang siya bigla Dominic"ani ng kanyang Ina.
"We need to bring Papa to the hospital right now Ma"aniya.
Ipinasok na sa Ambulance ang kanyang ama at sumakay na sila upang samahan ang amang naka oxygen na.Pagdating sa hospital kaagad dinala sa emergency room ang Don at naghintay lang din sila sa labas kasama ang Ina.
"Mama how did this happened?
"Hindi ko rin alam Dom wala naman siyang nabanggit na may sakit siya"
Hindi na siya sumagot pa dahil nag aalala siya sa kalagayan ng kanyang ama at ni hindi na naalalang tawagan ang dalaga na kanina ay laman ng kanyang isipan.
Samantala tinawagan ni Monica si Clarissa upang tanungin kung anong nangyari sa kaibigan.Ilang sandali pa ay sumagot na si Clarissa.
"Hello?ani ni Clarissa.
"Uy girl saan ka hindi ka ba papasok ngayon?
"Hindi eh medyo masama pakiramdam ko"sagot ng kaibigan.
"Hala!hindi naman ba malala ang sakit mo?
"Hindi naman baka bukas maging okay na ako"
"Ganon ba sana nga maging okay ka na,siyanga pala tinanong ka ni Dominic"anito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Kahapon
Short Story*******""""""*************"""******* Teaser *******"""""""*************""""""""""" KUNG mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat para sa kanya,ibigay lahat ng mga bagay na makakapagpaligaya sa kanya na kahit puri mo pa ay handa mong isuko p...