DIRETSO siya sa bahay ng dalaga pagkaalis niya sa Mansion naiinis siya sa kanyang Papa pero hindi siya natatakot na iharap ang dalaga sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ama patutunayan niyang totoo ang hangarin niya kay Clarissa because he promised before once na may dadalhin siyang babae sa Mansion at ipakilala niyang nobya niya yon na yung babaeng pakakasalan niya dahil he never bring women in their Mansion even once.
"I'm not going to give up Clarissa just because you don't like her for me Papa"usal niya sa sarili.
Pagkapark niya ng kotse sa tabi ng kalsada ay ngumiti pa sa kanya si Aling Nena na nasa tindahan ito.
"O Dominic ang aga mong bumisita"
"Opo Aling Nena may lakad po kasi kami ni Clarissa"sagot niya.
"Ikaw ba ang nobyo ni Clarissa?tanong ng kasama nitong may katandaan na rin.
"Ako nga po"ngiti niyang sagot.
"Naku swerte ka sa batang yan hijo mabait na napakasipag pang bata kaya huwag mo ng pakawalan"anito sa kanya.
Tumango lamang siya sa mga ito.
"Pero swerte din naman niya sayo Dominic dahil mukhang mayaman ka"ani ni Aling Nena.
"Hindi naman po masyado Aling Nena"
"Palagay ko pareho kayong mababait at magalang kaya siguro pinagtagpo kayo ng tadhana"ulit ng isa pa.
"Maraming salamat po tutuloy na po ako"aniya dito.
"O sige"sagot nito.
Lumakad na siya habang nakangiti pa rin well totoo naman ang mga ito mabait nga si Clarissa at magalang pa.Kumatok siya sa pinto ng bahay ng dalaga at ilang saglit pa pinagbuksan na siya ng dalaga.
"Hi sweetheart good morning"ngiti niyang bati sa dalaga.
"Ang aga mo sabi mo mamaya pa mga 9 am?
"Inagahan ko na para mahaba ang oras natin"sagot niya habang papasok sa bahay.
"Sige magbibihis lang ako..teka gusto mo bang magkape muna habang hinihintay ako?
"No need..go prepare yourself"
"Okay..sige dito ka muna"ani ng dalaga.
"Sweetheart?
"Hmm?
"Alam na ba ng Tatang at Nanang na lalabas tayo?
"OO nagpaalam na ako kanina bago sila umalis"
"Sorry nakalimutan kong magsabi sa kanila hindi rin kami nagkasalubong ni Nanang"
"Okay lang yon Dominic nagkasalisi siguro kayo ni Nanang"
"Yeah maybe okay you can go now"
Tumango lamang ito at pumasok na sa maliit niyang kwarto upang magpalit ng damit.Simple lang ang suot niya nagsuot siya ng jeans at polo shirt dahil wala naman siyang idea kung anong susuutin kapag makipag date eh.Naglagay ng konting face powder nag lipstick ng konti lang din saka nagwisik ng pabango,pagkatapos tingnan ang sarili sa salamin at nakitang okay na lumabas na siya.
"Ready na ako"aniya sa binatang abala sa cellphone nito.
Tumingin ito sa kanya at nakita niyang napakunot noo ito habang tiningnan siya mula ulo hanggang paa.
"B-bakit?tanong niya.
"Don't you know that we're going on a date?ani ng binata.
"Hindi ba okay ang suot ko?
BINABASA MO ANG
Ang Kahapon
Short Story*******""""""*************"""******* Teaser *******"""""""*************""""""""""" KUNG mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat para sa kanya,ibigay lahat ng mga bagay na makakapagpaligaya sa kanya na kahit puri mo pa ay handa mong isuko p...