(Ang Kahapon) Chapter 12

18 5 0
                                    


NANGHIHINA si Clarissa pagdating niya sa bahay ng kaibigan siguro dahil sa pagod kaya inasikaso siya ni Monica.Nasa kusina sila dahil katatapos lang ng mag pinsan kumain at nagtira naman ng pagkain para sa kanya si Monica.Pumasok narin sa silid nito ang pinsan ng kaibigan.

"Hindi mo naman kasi sinabing maghahanap ka ng trabaho edi sana sinamahan na kita"ani ni Monica habang nagpapainit ng gatas.

"Kaya nga hindi ko na sinabi sayo para hindi mo na ako masamahan"

"Paano kung may nangyari sayong masama?naku girl dobleng ingat lang ha?

"Okay lang naman ako..salamat sa pag aalala"

"Huwag kang mag-alala baka may bakanteng pwesto si Nanette sa Salon"ani ni Monica sabay nilagay sa baso ang gatas at nilapag sa harap niya.

"Thank you"aniya sabay inom ng gatas. 

"Sige na ubusin mo na ang pagkain mo para makapag pahinga na tayo"

Tumango lang siya sa kaibigan at kumain na dahil hindi siya gaanong magana kumain kaya mabilis lang siya natapos at si Monica na ang naghugas ng pinagkainan niya siya naman at nauna na sa loob para magpalit ng damit dahil pinahiram naman siya ni Monica ng damit na pwede niyang gamitin pansamantala.

Hindi nagtagal pumasok na rin sa kwarto ang kaibigan at ngumiti sa kanya.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?tanong nito sa kanya.

"OO okay na ako"saka umupo sa tabi ni Monica"Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo sa akin Monica,hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan pero hindi ako magsasawang sabihin salamat sayo"

"Sus nagdrama ka na naman..hula ko iyakin yang anak mo"biro ni Monica.

Ngumiti siya sa kaibigan saka ginagap ang kamay nito"kapag makahanap ako ng trabaho aalis din ako dito"

"Bakit?hindi naman kita pinapaalis saka ang luwag ng bahay para sa ating tatlo"

"Alam ko...pero Monica ayokong palaging umaasa sa tulong ng iba o sa tulong mo gusto kong matutunan kung paanong mabuhay na mag isa,yung ako ang gumagawa ng paraan para makakain ako,dahil gusto ko matatag ako at matibay sa lahat ng pagsubok paglabas ng anak ko"aniya.

"Clarissa may konsensya naman ako kung hahayaan lang kita mag isa sa kabila ng kalagayan mo"

"Hayaan mo kapag hindi ko na kaya sayo ako hihingi ng tulong saka hindi pa naman ngayon kapag nakahanap na ako ng trabaho na maaari kong pagkakitaan"

"Sige hahayaan na kita dahil magiging nanay ka na hindi magtatagal at nauunawaan ko ang punto mo basta kapag kailangan mo ng tulong dito lang ako okay?

"Thank you Monica ang swerte ko na may kaibigan akong katulad mo"ngiti niyang wika.

"Kasi mabait ka rin Clarissa,matulungin,maawain saka mapagmahal na tao"

Nagyakapan sila bago nagpasyang matulog dahil may pasok pa ang kaibigan bukas at siya naman ay sasama sa salon kung saan nagta trabaho ang pinsan nito para magtanong kung may bakanteng pwesto para sa kanya.

KINABUKASAN pag gising ni Clarissa ay nakaramdam siya ng paghilo kaya hinilot hilot muna niya ang kanyang sintido,nilingon niya ang kaibigan at tulog parin ito.Dahan dahan siyang bumaba sa kama dahil magkatabi silang matulog ng kaibigan pagtayo niya ay bigla nalang siyang bumagsak.

"N-Nanang"aniya bago tuluyang nawalan ng malay.

"Clarissa!?gulat na wika ni Monica ng makitang biglang bumagsak ang kaibigan.

"Diyos ko!aniya saka dinaluhan si Clarissa.

Pumasok na rin sa kwarto ang pinsan niya na malamang narinig nito ang sigaw niya.

Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon