PAGSAPIT ng hapon ay naghanda na ang mag-ina upang umuwi sa bahay nila,nasa gate na sila upang lumabas ng Mansion pero humabol si Dominic.
"Aling Maritess,Clarissa!tawag ng binata.
"Ano yon Señorito?tanong ng kanyang Ina.
Tahimik lang din siya sa tabi ng Ina habang nakikipag usap ito sa binata at wala pa ang mag asawang Don at Doña sa Mansion.
"Ahm ihahatid ko na po kayo sa inyo Aling Maritess"ani ng binata.
Napatingin siya sa binata at nakatingin din ito sa kanya kaya umiwas siya ng tingin.
"Huwag na Señorito mag aabang na lang kami ng traysikel"tanggi ng Ina.
"Pumayag na po kayo Aling Maritess gusto ko rin po kasing bumisita sa inyo kaso ayaw ni Clarissa eh"
Bigla tuloy siya napatingin ng diretso sa binata sabay tumingin sa kanyang Ina na tumingin din sa kanya.
"Maaari bang sa ibang araw na lang Señorito?
"I insist po Aling Maritess please"pangungulit ng binata.
Nagkatinginan silang mag ina at sa huli ay tumango na lang si Aling Maritess.
"Sige ikaw ang bahala"
"Thank you po Aling Maritess kukunin ko lang ang susi ng kotse"ngiti nitong wika at umalis na.
Maya't maya ay nasa kanilang harapan na ang kotse ng binata na ngayon lang nakita ni Clarissa dito o baka siguro dahil medyo matagal tagal na siyang hindi nakapunta dito sa Mansion.Bumaba ang binata upang pagbuksan ng pinto ang kanyang Ina sumunod sana siya pero pinigilan siya ng binata.
"Clarissa no"ani ng binata.
"Huh?b-bakit?tanong ng dalaga.
"You can sit in front"ani ng binata sa kanya saka kinausap ang kanyang Ina"okay lang po ba Aling Maritess?ani ng binata.
"Sige okay lang"sagot ng kanyang Ina.
Ngumiti ito at giniya na siya patungo sa unahan sabay muli siya nitong pinagbuksan ng pinto saka kinabit ang seatbelt niya at heto na naman sobrang lapit na naman nilang dalawa.Bakit ba kasi ang lambing lambing nito sa kanya kahit sa harap ng kanyang Ina naiilang tuloy siya eh.
"There you are..you okay?tinanong pa siya nito.
"Okay na ako salamat"mahina niyang wika.
"Okay"anito at gumawi na sa driver seat.
Pagkaupo nito ay inistart na ang kotse at lumingon pa sa kanya sabay ngiti bago tuluyang pinatakbo ang kotse.
"Aling Maritess?ani ng binata.
"Ano yon Señorito?
"Pwede rin ba kitang tawagin katulad ng pagtawag sa inyo ni Clarissa?
"Ha?nakakahiya naman Señorito"
"Huwag nyo na rin akong tawaging Señorito mula ngayon"
"Amo ka pa rin namin Señorito"
"Gusto ko kayong maging pamilya Nanang so ituring nyo na rin akong pamilya ninyo"ani ng binata.
"Señorito hindi ba masyado naman yatang mabilis?
"Doon na rin yon pupunta mabilis o matagal,ang importante mahal ko ang anak ninyo and I think that only matter"ani ng binata habang nagmamaneho.
"Kung yan ang gusto mo sige ikaw ang bahala Dominic"ani ng kanyang Ina.
Tahimik lang din siyang nakaupo habang nakikinig sa usapan ng binata at ng kanyang Ina.
BINABASA MO ANG
Ang Kahapon
Short Story*******""""""*************"""******* Teaser *******"""""""*************""""""""""" KUNG mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat para sa kanya,ibigay lahat ng mga bagay na makakapagpaligaya sa kanya na kahit puri mo pa ay handa mong isuko p...