LUHAAN siyang umuwi sa kanilang bahay dahil hindi niya alam kung anong nangyayari,kung bakit bigla nalang siyang iniwan ni Dom samantala ramdam na ramdam niya kung gaano siya nito kamahal o baka totoo ang sinasabi nitong pinapaniwala lang siyang mahal siya nito pero hindi naman talaga.Lalong sumikip ang dibdib niya ng maalala ang sinabi nitong nakuha na ang kailangan nito sa kanya kaya hindi na siya kailangan ni Dom."Kung alam ko lang Nanang"aniya sa kanyang Ina habang umiiyak pa rin.
Dahil nasabi niya na sa kanyang Ina ang nangyari at ngayon ang kanyang Ina na lamang ang naging buhusan niya ng kanyang nararamdaman.Masakit dahil iniwan siya ni Dom ng ganon ganon lang ni hindi niya alam kung anong nagawa niyang pagkakamali,pagkatapos ng lahat ganon na lang yon?
"Hindi mo nga talaga malalaman ang mangyayari,napakawalang hiya niyang ginawa niya yon sayo Clarissa"ani ng Ina habang yakap siya nito.
"K-kung alam ko lang sana kung bakit siguro maiintindihan ko siya pero wala eh iniwan lang ako ng walang dahilan"
"Tama na Clarissa hindi mo dapat iniiyakan ang walang kwentang tao,hindi pa katapusan ng buhay mo kahit nawala siya sayo o kahit iniwan ka pa niya"ani ng kanyang Ina.
"Nang!aniya dahil hindi niya na kayang magsalita pa.
Sobra siyang nasasaktan sa ginawa ni Dom kung kailan may namagitan na sa kanila saka naman nangyari to,pagkababae lang ba niya ang gusto ni Dom sa kanya at ngayon nga nakuha na nito iniwan na siya dahil wala ng kailangan ang binata sa kanya.Bakit hindi niya naisip yon na siguro yon lang talaga ang habol ng binata.Manloloko!Sobrang manloloko!At nagpapaloko naman siya.
KINABUKASAN nagtrabaho pa din siya sa bahay tulad ng nakasanayan niya kahit na nga ba para siyang namamatayan at walang pakialam sa kanya ang Tatang at kapatid niya ni hindi siya tinanong kung okay lang ba siya kung ayos lang ba siya kahit batid niyang alam na ng mga ito ang nangyari.
"Tang nakahanda na po ang agahan ninyo"aniya sa ama na kasalukuyan itong naghahanda ng gamit nito para dalhin sa bukid.
"Pinaghanda na ako ng Nanang mo"malamig nitong sagot na hindi man lang siya tiningnan.
"Tang patawarin nyo po ako hindi ko po kayang magalit kayo sa akin"aniya sa ama.
Hindi ito sumagot bagkus tinalukuran lang siya nito pero hinawakan niya ito sa kamay.
"Tang maawa na po kayo kausapin nyo na po ako Tang"aniyang nagbabadya na namang umiyak.
"Mas maraming mahalaga akong bagay na gagawin sa bukid kesa sa makikipag usap sayo Clarissa!matigas nitong wika sabay alis.
"Tang"mahina niyang wika saka dahan dahanh napapaupo sa bangko at umiiyak.
"Bakit ganito ang nangyayari sa akin?tanong niya sa sarili.
Bigla siyang nakaramdam ng galit ng maalala si Dominic dahil ito ang simula ng lahat pero tama bang si Dominic lang ang kanyang sisisihin sa nangyari sa kanya?di ba dapat siya rin?pero nagmahal lang naman siya at naniniwala sa kasinungalingan ni Dom na buong akala niya totoong mahal siya nito pero hindi pala.Ngayon niya pinagsisihan ang kanyang ginawa sana hindi siya agad bumigay sa gusto ng binata pero anong magagawa niya mahal niya eh.Mahal niya ang binata pero iniwan lang siya ng ganon ganon lang.Ang sakit!
Pagsapit ng hapon ay gumayak na siya upang tumungo sa department store kailangan niya pa ring magtrabaho kahit hungkag ang kanyang nararamdaman ngayo at tila pasan ang mundo dahil sa bigat ng kalooban.Tahimik siya habang nakasakay sa taxi at nakatingin lang sa labas na parang wala sa sarili.Bumalik lang siya sa reyalidad ng magsalita ang taxi driver.
"Ma'am saan po kayo?
"Po?aniya sabay nagpalinga linga.
Ayon nakalagpas na pala siya ng ilang kilometro.
BINABASA MO ANG
Ang Kahapon
Short Story*******""""""*************"""******* Teaser *******"""""""*************""""""""""" KUNG mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat para sa kanya,ibigay lahat ng mga bagay na makakapagpaligaya sa kanya na kahit puri mo pa ay handa mong isuko p...