(Ang Kahapon) Chapter 11

11 5 1
                                    


HANGGANG sa gumabi na lang pero ni hindi nga siya sinilip ng kanyang mga magulang at kapatid,hindi siya pinagbuksan ng pinto kahit anong katok ang ginawa niya.Naawa din naman ang mga kapitbahay sa kalagayan niya pero wala ding magawa ang mga ito dahil ayaw nilang makialam.

"Clarissa doon ka na sa bahay matulog ngayong gabi bumalik ka nalang dito bukas"ani ni Jomari.

Na nalaman narin nito ang nangyari sa kanya at ang kalagayan niya.Umiling siya dahil ayaw niyang umalis ayaw niyang sundin ang ama baka kapag aalis siya dito ngayon tuluyang magagalit ang ama.

"D-dito lang ako Jomari hihintayin kong pagbubuksan ako ng Tatang ko"aniya.

"Gabi na Clarissa buntis ka pa naman"ani ng binata.

"B-buntis?oo nga pala buntis ako,binuntis lang ako ng hayop na manlolokong Dominic na yon!!!medyo mataas ang boses niya.

"Tama na kaya mo yan magtiwala ka lang"aniya sabay hinawakan sa balikat ang dalaga.

"Paano na ako ngayon Jomari paano ko bubuhayin ang bata?

"Saka mo na isipin yan sa ngayon tumayo ka na dyan sumama ka muna sa akin sa bahay"

"Baka magalit sayo ang Nanay mo"

"Maiintindihan ka niya Clarissa"

Wala na siyang nagawa kundi ang sumama sa binata dahil babalik naman siya dito bukas.Habang papunta sila sa bahay ng binata ay nakita niyang nagbulung bulungan ang mga kabitbahay na nasa labas ng kani kanilang bahay kahit gabi na.Sabay titingnan siya ng mapanghusga na tingin,iyong parang marumi siyang babae.Pero wala siyang magawa kundi ang kapalan ang mukha,nahihiya naman siya pero nangyari na to eh at wala siyang pakialam kahit huhusgahan pa siya ng mga taong nakakaalam ng kalagayan niya.

Pagdating sa bahay ng binata ay nagulat pa si Aling Marta ng makita siyang kasama ni Jomari.

"C-Clarissa?anito.

"Nay dito po muna magpalipas ng gabi si Clarissa"

"Ha?ah s-sige ayos lang"anang Ina ni Jomari.

Pero parang napipilitan naman dahil nandon na siya sa pintuan alangan naman papaalisin pa siya nito.Kaya tahimik na siyang pumasok sa loob ng bahay sa isip niya ngayong gabi lang sana dahil wala talaga siyang matutuluyan.

Inayos ni Jomari ang maliit nitong silid para sa kanya dahil siya ang gagamit at ang binata naman sa sala matutulog.

"Maraming salamat Jomari"

"Okay lang yon kaibigan kaya tayo"ngiti ng binata sa kanya.

"Pasensya na kayo sa akin at nadamay ko pa kayo sa kaguluhan ng buhay ko"

"Huwag mo ng alalahanin yon ang importante maayos ka makakatulog ngayong gabi"

"Salamat ulit"

"Ay siyanga pala kumain ka muna alam kong hindi kapa naka paghapunan"

"Huwag na Jomari hindi naman ako gutom"nahihiya niyang wika.

"Ano ka ba dapat kumain ka bago matulog"

"Hindi na okay lang ako"

"Huwag ka ng mahiya halika na sa kusina sasamahan kita"

"Jomari okay lang ako nakakahiya na talaga sa inyo ng Nanay mo"

"Clarissa okay lang yon halika na para makapag pahinga ka na rin"pamimilit ni Jomari sa kanya.

At dahil nga medyo gutom siya dahil hindi pa naman siya kumain kaya kahit nahihiya sumama nalang sa binata patungo sa kusina.Hindi niya nakita si Aling Marta marahil nasa silid na nito.Pinaghanda siya ng pagkain ng binata at nakaupo lang din siya habang pinapanood ang binata.

Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon