(Ang Kahapon) Chapter 13

10 4 0
                                    

PINAKITA sa kanya ni Doña Isabel ang buong Mansion na lilinisin niya araw-araw,at ngayon pa nga lang ay parang mahihilo na siya sa dami ng gagawin niya dito.Pumunta sila sa underground ng Mansion kung saan doon nakalagay ang malaking wine cellar na may iba't ibang uri ng imported wines na galing sa iba't ibang bansa.May meeting room din doon na malamang si Don Romulo ang may ari nito.Tapos sa ikalawang palapag ng Mansion kung saan doon ang Master bedroom,John Carlo's room,Joanna Carlota's room guests room,a wide living room and mini kitchen at may balcony sa magkabilang sides.Nagtaka pa siya kung bakit may kwarto ang kababata niya gayung matagal na itong wala sa mundo at ang ipinagtataka niya kung sino si Joanna Carlota.Gusto sana niyang magtanong pero natatakot siya kaya tahimik nalang siya habang nakikinig sa mga tinuturo nitong trabaho sa kanya.

"Ano kaya mo ba lahat ng trabaho dito Clarissa pwede ka pang mag back out"ani ng Doña.

"Kakayanin ko po para sa amin ng an..."bigla siyang natigilan.

Dahil ayaw pa muna niyang sabihin kay Doña Isabel ang kalagayan niya dahil baka hindi siya tatanggapin kapag malaman nitong buntis siya eh sayang yung kikitain niya dito ng ilang buwan bago aalis saka okay narin dito dahil libre na lahat.

"Ng ano?

"Ahm w-wala po Tita este Madam Isabel"mahina niyang wika.

Pagkatapos ipakita sa kanya ang buong Mansion pati sa labas ay sinamahan siya nito sa magiging kwarto niya.Nagtaka siya ng dinala siya ng Doña sa isang maliit na silid na kasing laki lang yata ng banyo ng bahay nila.Walang katre o kutson sa papag lang na marahil ay cartoon lang ang maging banig niya isang unan saka isang kumot.Napalunok siya at hindi niya magawang magsalita.

"Ito ang magiging silid mo..sa labas ka maliligo sa cr kung saan doon mo nililinisan ang mga gamit panlinis sa loob ng Mansion"

Marahan siyang tumango saka muling napalunok sa isip niya okay na to atleast hindi siya lamigin at hindi mababasa ng ulan.

"Bukas ka na magsisimulang magtrabaho ngayon free time mo bahala ka kung anong gagawin mo sa silid mo"ani ng Doña at umalis na.

Sinundan niya ng tingin ang Doña saka muling tumingin sa loob ng magiging kwarto niya saka pa pumasok sa loob at binaba ang dala niyang maliit na bag saka dahan dahang umupo sa papag.Sumandal siya sa pader dahil pakiramdam niya pagod na pagod na siya.

"Nak okay ka lang ba dyan?aniya habang hinimas ang kanyang tiyan.

"Kung ako ang tatanungin mo hindi ako okay dahil ngayon pa lang parang ang hirap ng mabuhay pero nak kakayanin ko ang lahat ng ito para sayo basta huwag kang bibitaw ha?aniya at tahimik na namang umiyak.

"Diyos ko kayo na po ang bahala sa amin ng anak ko sana po palagi nyo kaming gagabayan sa lahat ng oras dahil kayo nalang po ang tanging pag asa namin"aniya saka nagpahid ng luha.

Pagsapit ng gabi ay nasa kusina siya upang kumain dahil pinapakain naman siya ng Doña at wala pala ang asawa nito nasa ibang bansa for business trip at sa makalawa pa ang balik nito.

"Pagkatapos mong kumain matulog ka na para maaga kang magising bukas"ani ng Doña ng pumunta ito sa kusina.

"Salamat po Madam"aniya.

Hindi ito sumagot basta nalang siya tinalikuran nito,mabilis na niyang tinapos ang kanyang pagkain at pagkatapos niya ay hinugasan na ang pinagkainan niya at tumungo na sa kanyang silid.Kinuha niya ang tuwalya na nakasabit doon na para daw sa kanya at damit pantulog na pinahiram ni Monica saka maliit na basket na may laman ng gamit panligo saka tumungo sa cr sa labas upang maghugas ng katawan.

Ilang sandali pa ay natapos narin siya at bumalik na sa silid niya,saka humiga na sa papag na tanging carton lang ang nagsisilbing banig niya.Dahil siguro sa pagbubuntis niya kaya hindi siya gaanong nahihirapang matulog dahil madali siyang nakakatulog.

Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon