(Ang Kahapon)Chapter 3

16 6 0
                                    

Chapter:3

"Anak sinong naghatid sayo"tanong ng kanyang Ina.

"Ah yung driver daw po ng nakabanggan ko kanina sa mall"sagot niya.

"Magkakilala kayo?tanong ulit ng Ina.

"Sino po Nanang yung driver o yung nakabanggaan ko?

"Pareho"

"Hindi po Nang pero mukha naman po mabait"

"Eh bakit hindi mo pinatuloy asan na siya?

"Nakaalis na po Nanang saka nagpasalamat naman ako"

"Pero nak pogi ba yung nakabanggaan mo?tanong ng Tatang nila.

"Hmm medyo Tang"

"Ate nagkakilala ba kayo nung lalake?tanong naman ng bunso.

"Hindi eh"

"Bakit Ate chance mo na kaya makapag nobyo"

"OO nga anak malay mo magustuhan ka nun"banat naman ng Tatang nila.

"Naku Tang malay ko ba may asawa na yon"

"Eh bakit inutusan pa niya ang driver maghatid sayo?ani ni Aling Maritess.

"Peace offering lang po Nanang dahil nga sa kasalanan niya ganon lang yon"

"Inalam mo man lang sana ang pangalan nung driver at yung lalake anak"

"Para saan pa po Nanang eh hindi naman din kami magkikita ulit"aniya.

"Malay mo Ate pupuntahan ka sa Mall dahil may crush sayo"

"Tigilan mo nga ako Brian sige na papasok na ako sa kwarto"aniya sa kapatid at mga magulang nila.

MATAPOS ang matinding interview sa kanya ng kanyang mga magulang at kapatid ay nakapasa din siya,paano naman kasi hindi ka tatadtarin ng tanong kung bigla nalang may maghahatid sayo ng de kotse at magara pa?Pero she simply told her parents and little bro it's kinda peace offering lang naman nothing else dahil nga sa nangyari kanina sa mall.Good things na nakumbinsi naman din niya ang mga ito na ganon lang talaga pero ganon nga lang ba yon o may higit pang dahilan?

Pabaling baling siya ng higa dahil hindi siya mapakali eh mukha ng mokong na yon ang nakikita niya,aminin man niya o hindi pero tama ang kaibigan niya ang gwapo ng lalake.Pero...sadly hindi niya alam ang pangalan nito at hindi niya nga pala naitanong sa kaibigan kung anong pangalan ng lalake.Dahan dahan niyang hinawakan ang kanyang dibdib at parang feelings niya nakahawak parin dun ang kamay ng lalake.

"Eeehhh bwisit bakit ba!?aniya sabay batok ng sariling ulo.

Muling nag iba ng posisyon at humarap sa dingding pero nakikita pa rin niya ang mukha ng lalake pero yung nakangiti na dahil kinausap nito ang kaibigan ang sarap sa mata yung mukha nitong nakangiti hanggang sa dahan dahan siyang nakatulog at mukha ng lalake ang huli niyang nakita.

KINABUKASAN maaga pa lang nasa silid niya na ang kanyang Ina at ginigising siya nito.

"Good morning Dom"anang kanyang ina.

Pupungas pungas pa siyang nagmulat ng mga mata saka niyakap ang ina na parang baby lang na nakaupo ito sa kama.

"Morning too Ma"mahina niyang sagot.

"Tired?tanong ng ina habang sinuklay suklay ng daliri nito ang kanyang buhok.

"Little bit and how are you Ma?tanong niyang hindi man lang nagmulat mg mga mata.

"I'm okay hijo..bumangon kana then maligo para sabay na tayong kakain ng breakfast"

"Kayo nalang muna Ma mamaya pa ako kakain"

Ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon