"Cathy, what are you staring at?", nag-iwas ako ng tingin nang marinig ang boses niya.
Kailanman, hindi ako nagsawang pakinggan siya pero bakit parang mabibingi yata ako gayong hindi naman pangalan ko ang tinatawag niya?
"It's nothing important", bumaling muli ang paningin ko sa babaeng kinamumuhian ko--my stepsister.
Nananatili pa rin siyang nakatitig sa akin nang bitawan ang mga katagang iyon na para bang sinusuri nito ang reaksyon ko.
Gumuhit pa ang ngisi nito sa labi ng igalaw ang hintuturo na mistulang pinapalapit ito sa kanya na agad din namang sinunod ng kaibigan ko.
She gave him a peck.
Halatang nagulat pa ito sa naging kilos niya at ako? Heto, nanggigigil na sa kanya.
Halos mabasag ko na ang basong nasa gilid ko sa tindi ng pagkakahawak ko dito.
I just can't stand the view. Hindi ko kayang makita pa ang mga susunod na pangyayari.
Sobra-sobra na siya sa ginagawa niya. Hindi pa ba sapat na lahat ng atensyon ay nasa kanya? Ang atensyon ng lahat ng tao at lalong-lalo na ang atensyon ng sarili kong ama?
The pain is unbearable. Kailanman, hindi ako umasang masusuklian niya din ako ng higit pa sa pagkakaibigan.
Sabihin na nating wala talaga akong patutunguhan sa puso niya at umpisa pa lang, tanggap ko na 'yon. Ang gusto ko lang naman ay hindi siya magdusa sa huli.
Sa totoo lang, dapat hindi ko na siya ginugulo sa mga desisyon niya pero hindi ko kayang madurog siya ng paunti-unti lalo na't alam kong ginagamit lang siya nito at mas lalong hindi ko kinakaya na pinaglalaruan siya ng babaeng hindi naman talaga siya mahal.
Minsan, napapaisip na lang din ako kung ano bang mabigat na kasalanan ang nagawa ko sa kaniya at pati kaibigan ko ay dinadamay niya sa anumang galit niya sa akin.
Seeing the man who was once become part of my life in front of a woman like her is like a big strike to my heart.
Noon pa lang, dapat alam ko na kung ano ang magiging kahihinatnan nito pero ang hirap pa rin pala lalo na't harap-harapan pa. Kung bakit ba naman kasi ako sumunod dito?
Pumihit siya paharap sa akin at halos maubusan na ako ng hininga ng dumapo ang mga tingin niya sa mga mata ko.
Ang mga tingin na 'yon ay hindi na katulad ng dating malumanay na sa isang tingin pa lang ay malalaman mo na kung sinong nagmamay-ari nito.
Halos hindi ko na makilala kung kanino nga ba ang malalalim at tila galit na matang iyon na sumusuyod sa buong katauhan ko.
May dalawa mang bakanteng mesa ang naghihiwalay at pumapagitan sa kinaroroonan namin ngayon, hindi pa rin ito naging hadlang para hindi marinig ang usapan nila lalo pa ang mga mata niyang kakikitaan din ng talim.
Makailang beses din akong kumurap. No, not yet. Hindi dapat ako dito umiyak. Hindi sa harap ng babaeng 'yan--hindi sa harap nila.
"Ilang beses ka pa bang maghahabol?", iniwas ko ang tingin sa kanila at yumuko na lamang.
Nakatawag ito ng pansin sa lahat ng taong kumakain dito.
BINABASA MO ANG
Martyr 0f 1861
Historical FictionWalang paraan para matuldukan ang lahat. Ang patuloy na paghinga at pagpili ng kamatayan--alin man sa dalawa'y hindi magiging solusyon para tapusin ang nakatadhana. Highest Rank Achieved: #36 in historical fiction #18 in 19th century Date Published:...