"Bago mag-alas seis. Alam mo naman na siguro kung anong ibig kong sabihin, ginoo", napafacepalm ako sa isip nang marinig ang paalala ni ama.
Narito na kami sa labas ng bahay kung saan nakaabang ang sasakyan naming kalesa. Pilit akong napangiti nang pinasadahan niya ako ng tingin. Nakataas pa ang isa nitong kilay na waring nanunuri.
"Mag-iingat kayo", bilin naman ni ina sa gilid sa malambot na tinig. "Ate, handa kong banatan ang ginoong nasa harap ko sakali mang may gawin siyang masama sa 'yo", napatingin ako kay Butchoy na siyang may-ari ng maliit na tinig at napapangiti na lang ako sa tuwing inilalabas nito ang sigang ugali.
Nilingon ko naman si Gael na nasa gilid ko na nakangising tinitignan ng diretso si Butchoy na nakakunot ang noo at waring inaasar ito.
"Ayos na ba ang kalesa?", nabaling ang atensyon naming lahat kay kuya Fidel na kararating lang. Nakapormal itong suot na naglalakad pababa ng hagdan.
Isa pa 'to. Hindi ko maintindihan na sa dinamirami ng pagmamay-ari naming kalesa ay kung bakit kailangan niya pang makisabay sa amin.
"Tamang distansiya, ginoo. Malinaw din ba?", muli na namang paalala ni ama.
Napakagat labi ako. Guilty ako dito at ito ang bagay na hinding-hindi ko maitatago. Laking Espanya si Gael at malamang ay naglagi na rin ito sa iba't ibang bansa. Sapat na rin siguro ito para maging dahilan sa mga kilos niya. Hindi na rin naman bago sa isang katulad ko ang mga bagay na tanging sa hinaharap lang nagagawa ng mga ginoo.
Diretsong sumakay si kuya Fidel sa loob ng kalesa kaya pati kami ay sumunod na sa kanya. Nakakahiya naman at siya pa yata itong nagmamadali.
Nag-umpisang patakbuhin ang kalesa at habang palayo kami ng palayo sa malaking bahay, unti-unti ko namang natatanawan ang mga bukid sa bawat gilid pati na rin ang mga bahay kubong nakapirmi sa gitna nito.
Sari-sari ang mga pinagkakaabalahan ng mga tao. Kahit alas nuebe pa lang ng umaga, makikita talaga ang sipag at pagtitiyaga nila na taliwas sa paratang ng mga prayle na ika nga ay mga tamad.
Halos ilabas ko na ang sarili sa bintana ng kalesa para ilibot ang tingin sa buong paligid. Naging okupado na rin ang isip ko sa ganda nito at hindi ko man lang namalayan na may bagay na pa lang lumilipad papunta sa gawi ko.
Huli na para malaman ang bagay na 'yon at maiwasan sana. Nagtuloy-tuloy na kasi ito papunta sa akin at muntik pa kong mapatalon sa gulat dahil sa biglaang pagbato ni kuya Fidel nito.
"Ano ba!", sigaw ko nang tumama ito sa akin. Agad din naman akong napatingin sa kaniya.
There he goes again--back with his strick look. Kung makabato akala mo matandang walang lovelife since birth. Pinagkaitan yata ng galak sa katawan kaya pati ako pinapakialaman.
"Ang bibig, Gabriella", pinandilatan pa ako nito ng mata. Buti na lang at natakpan ko kaagad ang mukha ko gamit ang kamay dahil kung hindi, mukha niya rin ang siguradong mapupuntirya ko! Isa pa si Gael na lalong nagpapainit sa ulo ko. What's funny? Naiinis ako at naiirita dahil sa katotohanang pinagtutulungan nila akong dalawa.
Tinignan ko ang bagay na 'yon at nakitang abaniko lang pala ang ibinato nito sa akin. Muling nakuha ni kuya Fidel ang atensyon ko dahil sa pagtikhim niya.
Natigilan ako saglit at lumingon sa kanya para lang makita ang mga tingin nito na hindi ko mabasa kung anong gustong ipahiwatig.
"Hindi mo yata pansin na palapit ka na ng palapit sa bintana kanina, bagay na hindi mo naman gawain", seryosong sabi nito at sinalubong ako ng mga matang kakikitaan ng pagkastrikto nang hindi ko malaman ang ibig sabihin nito kanina.
BINABASA MO ANG
Martyr 0f 1861
Historical FictionWalang paraan para matuldukan ang lahat. Ang patuloy na paghinga at pagpili ng kamatayan--alin man sa dalawa'y hindi magiging solusyon para tapusin ang nakatadhana. Highest Rank Achieved: #36 in historical fiction #18 in 19th century Date Published:...