"Maghintay lang muna tayo ng ilan pang minuto, seño--"
"Gabriella na lang", nakangiti kong sabi habang tinitignan din ang parte ng kalsada na pinagtutuunan niya ng pansin.
Hindi ko na siya pinagpatuloy pa sa dapat na pagtawag niya sa akin ng 'señorita' dahil batid kong mataas na titulo ito para sa katulad ko na napadpad lang naman dito sa pambihirang pagkakataon.
Napadako ang mga mata niya sa akin mula sa kaninang pagkakatingin sa kanang parte ng kalsada. Nawala na ang kaninang takot na mababakasan mo dito at komportable ng nakakatingin sa mga mata ko.
"Maghintay lang muna tayo ng ilan pang minuto, binibini", ulit niya sa sinabi kanina saka sinuklian din ako ng ngiti at bumalik ang tingin sa dati nitong lugar.
Napabuntong hininga na lang ako dahil parang hindi ko din naman siya mapipilit sa gusto ko at inaliw na lang ang sarili sa bawat pagdaan ng mga tao.
Sumasayaw sa hangin ang iilang mga saya ng mga kababaihan sa saliw ng ihip ng hangin habang nagmistulan namang musika sa pandinig ang bawat tunog ng pagtakbo ng mga kabayo sa paligid.
Wala namang kaso sa akin kung sakali mang abutin kami ng ilang minuto dito. Ni hindi ko nga alam kung bakit wala man lang kahit na katiting na pagkabagot ang nararamdaman ko ngayon at parang sobrang excitement pa yata ang namumutawi sa akin.
Excited lang siguro ako sa unang araw ko dito na sa puntong hindi man lang ako natatakot sa unang pagtapak ko sa panahon ng mga kastila.
Kanina pa kami naghihintay ng kalesang masasakyan sa labas ng gusali kung saan kami pansamantalang namamalagi at napag-alaman ko ring ito na pala ang huling gabi namin dito.
Maya-maya pa, may isa na ring kalesa ang huminto sa harap namin at nag-alok ng masasakyan.
Hindi ko na hinintay pa si Soleng maging ang kutsero para alalayan ako sa pag-akyat. Dali-dali akong pumasok sa loob ng walang pag-aalinlangan at prenteng naupo.
Halos matawa pa ako sa itsura nila na hindi man lang maipinta ang mga mukha nang mahagip ng mga mata ko. Ano ba'ng maling nagawa ko?
Saka lang sila nakabawi sa ulirat ng may isang sumigaw na nag-uutos para paandarin na ang pampasadang kalesa ni manong.
Hindi ko akalain na mayroon na rin pa lang bahagyang pagsikip ng daan sa mga kalsada at maging sa Intramuros ay uso na rin pala ang ganitong eksena. Partido, kalesa pa ang ginagamit sa mga panahong ito.
Dahil dito, natatarantang sumakay ang kutsero sa unahan nang hindi man lang naalalayan si Soleng.
Nang matuonan ko naman siya ng pansin na nahihirapang umakyat ay ako na mismo ang nag-alok sa kanya ng tulong. Hindi na rin naman siya tumanggi pa at nahihiyang kinuha ang kamay ko.
Ngayon naman na nakaupo na kami sa loob ay saka lang ako nakaramdam ng pagkainip. Gosh, hindi ko na mapigil ang kagustuhan kong sumakay sa tumatakbong kalesa!
Makikita sa mga mata ko ang kislap na namumutawi dito bago agad na pinatakbo ng kutsero ang kalesa at sinunod ang ruta ng sinabing lugar ni Soleng.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon at hindi na rin ako nag-abala pang pakinggan ang kung ano mang tinuro niyang lugar kay manong. Basta ang alam ko lang ay pupunta kami sa sikat na pamilihan ng mga damit--nothing more, nothing less.
Wala na akong pakialam sa kung saan man kami ihinto ni manong o kung saan man 'yang botique na tinutukoy ni Soleng.
I'll just enjoy the view. Bawat kalsada na nadadaanan namin ay sinusulit ko na. Ehem, minsan lang 'to bago tuluyang madamay sa World War II ang Intramuros though matagal pa naman bago mangyari 'yon.
BINABASA MO ANG
Martyr 0f 1861
Historical FictionWalang paraan para matuldukan ang lahat. Ang patuloy na paghinga at pagpili ng kamatayan--alin man sa dalawa'y hindi magiging solusyon para tapusin ang nakatadhana. Highest Rank Achieved: #36 in historical fiction #18 in 19th century Date Published:...