Lumiko ako nang mapagtantong ang daan na sinusundan ko ay patungo sa tinutuluyan kong apartment.
Ang gandang magmukmok sa kwarto. Bulong ng isang bahagi ng utak ko.
No. Ayoko. Ilang ulit ko pa bang sasabihin na hindi nga sila ang magiging dahilan ng pagkasira ko!?
Kailangan ko ng lugar kung saan tahimik at kung saan maibubuhos ko ang lahat ng hinanakit ko sa mundo--somewhere that I think is the best place to shout all words that are continuesly giving me a breakdown.
Sa isip-isip ko kasi, para bang lagi na lang ako ang dapat magbigay. Walang sinuman ang nagpaparamdam sa akin na ako ang prioridad nila.
Sa lahat ng bagay may kahati ako. Lalo pa 'yang stepsister ko na 'yan. Labis ang galit ko d'yan.
How I wish na sana hindi na lang humanap ng iba si dad! Bakit hindi na lang siya nakuntento? Nandito naman ako para punan lahat ng pagmamahal ng isang anak pero bakit? Bakit gano'n niya na lang kadaling kalimutan lahat ng ala-alang pinagsaluhan namin?
Ilang beses kong tinangkang tanungin 'yan sa kanya pero napagtanto ko na hindi na nga pala ako parte ng pamilya niya.
Ni hindi ko nga alam kung naiisip niya ba ako sa tuwing matutulog. Mag-isa lang ako sa apartment at siya? Ayun. Masaya na siya sa bago niyang pamilya na akala mo'y minsan hindi niya ko naging anak at kailan ma'y hindi nabuhay sa mundong ito.
Simula ng ipakilala niya ang bagong mag-ina niya, kailanman, hindi na ako nagtangkang makisawsaw sa kanila. Umalis ako. Ayun din naman yata ang gusto ng bago niyang maybahay.
Mas tinuturing pa nga niyang anak ang babaeng 'yon kaysa sa akin na sarili niyang dugo at laman.
Napapaisip na lang nga ako kung kahit isa ba'y may binigay siyang kalinga ng isang ama--nakukuha man sa gawa o hindi. Kahit financially? Wala akong natanggap kahit piso. Hindi niya pinaramdam sa akin ang tunay na halaga ng existence niya.
Talagang labas na ako sa pamilyang mero'n siya ngayon at 'yang stepsister ko na 'yon? I don't know why does she always give me hardships.
Para silang one whole family na laging kontrabida sakin. One happy family na nagtutulungang gawing miserable ang buhay ko.
That's how life goes.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at pinilit na ibaling ang buong atensyon ko sa kalsada.
Tinahak ko na ang daan palabas ng Maynila. Masyadong sakit sa ulo ang ingay ng bawat sasakyan dito lalong-lalo na ang hangin na dulot nito.
Siguro mas mabuti munang manatili ako sa probinsya. At least doon, paniguradong hindi ko muna maiisip ang bigat ng buhay.
Mahigit apat na oras din bago ko tuluyang marating ang destinasyon na gusto ko.
Mahirap man at kinakailangan ng maraming oras para makarating dito, paniguradong sulit din naman 'pag nasilayan na ang ganda nito.
Ang bawat hilera ng puno sa magkabilang gilid ng kalsada ang nagbibigay lilong sa sinag ng araw.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas.
This is it.
Pinaghalong halimuyak ng mga bulaklak ang sumalubong sa akin pagbukas pa lang ng pinto habang daan-daang ala-ala naman ang rumaragasa sa utak ko pagtapak pa lang ng mga paa ko sa lupa.
Natatandaan ko pa dati kung paanong ang lugar na ito ang naging hometown ko. Dito ako isinilang at lumaki. Dito rin halos nabuo ang lahat ng masasayang ala-ala noong buo pa ang pamilya namin.
BINABASA MO ANG
Martyr 0f 1861
Historical FictionWalang paraan para matuldukan ang lahat. Ang patuloy na paghinga at pagpili ng kamatayan--alin man sa dalawa'y hindi magiging solusyon para tapusin ang nakatadhana. Highest Rank Achieved: #36 in historical fiction #18 in 19th century Date Published:...