Kabanata IV: Señorita

122 5 7
                                    

Parang may kung ano ang humihigop sa akin mula sa kinasadlakan ko. Napakabilis ng mga pangyayari.

Kaba--sigurado akong ito ang tanging naramdaman ko nang mga oras na 'yon.

Napasinghap ako dala na rin ng kawalan ng hangin na malalanghap saka naman sinag na nanggagaling sa araw ang bumungad sa pawisan kong mukha kasabay ng pagmulat ng mga mata.

Tagaktak na mga butil ng pawis ang nanggagaling sa noo ko habang hinahabol ang hininga at tinatanaw ang mga gusali na bumuluga sa akin.

Kakaiba at hindi ko alam kung saang lugar ito. Teka--wala ako sa bundok!? Nilingon ko ang kinatatayuan ko--isang sahig na gawa sa bato.

Kakaiba ang istruktura ng gusaling ito pati na rin ang iba pang kaharap na bahay nito.

Napatingin ako sa gilid ko. Ang ganda ng pagkakaukit sa bawat sulok ng dingding na para bang espesyal ang pagkakagawa dito.

Bumaba ang tingin ko sa bandang baba nito at halos mawalan ako ng kulay sa mukha nang dahil sa nakikita ko.

Nasa mataas na bahagi ako ng isang...building? Ewan ko ba kung building nga ba kung matatawag ito. Nasa bandang veranda pa naman din ako kaya talagang nakakalula ang taas nito.

Maybe it's just a dream?

Baka nabaliw lang ako ng sandali kaya nakakita ako ng liwanag saka nakatulog.

Napangiwi ako dahil sa isipang 'yon. Seriously? Nabaliw? Nagkibit balikat na lang ako. Tama. Nakatulog lang ako! Great.

Siguro mas mabuti na lang kung ililibot ko muna ang sarili ko dito at maglibang-libang para naman kahit papaano ay maging maganda ang kahihinatnan ng panaginip na ito.

Mabilis akong napailing. Grabe! Eh kung mabangungot kaya ako nito kakaliwaliw at makulong na lang dito?

Naku po! Kailangan ko pala talagang magising. Lumingon ako sa paligid para makakita ng kahoy na ipampupukpok sa ulo.

Mukang madadagdagan yata ang tama ng utak ko sa mga pinaggagagawa ko dito.

Napatingin ako sa bandang likod ng paso na nakapirmi dito nang may makaagaw ng pansin sa akin na parang isang bagay na kumikislap doon.

Unti-unti akong lumapit sa paso at inurong ito para makuha ang bagay na iyon. Ngayon lang ako nakakita ng ganito pero base na din sa itsura niya ay parang ngayon lang naman din ito nagawa.

Isa lang naman kasi itong gintong barya. Makintab pa siya at hindi pa burado ang mga nakaukit na mga detalye nito at halatang bagong gawa lang.

Mabigat ito kumpara sa pangkaraniwang barya kaya naman patunay ito na purong ginto nga ang ginamit dito. Kung hindi lang ako nananaginip at totoong napulot ko nga ang bagay na ito, paniguradong ipapa-auction ko 'to kung nagkataon.

Naku, marami pa namang coin collectors ang naghahabol sa mga ganito.

No!

Pinilig ko na lamang ang ulo ko dahil medyo napapalayo na ako sa pag-iisip kung ano ba ang gagawin ko para magising.

Eh kung tumalon na lang kaya ako para matauhan? Umiling ako ng ilang ulit dahil sa naisip. Baka tuluyan na kong hindi magising no'n at mauna pa ang ulo ko sa pagtalon.

Nasaan ba kasi ako!? Gabi pa lang naman ang huli kong naalala pero umaga naman dito. Lokohan lang?

O baka naman nasa kabilang parte na ako ng mundo?

Tsaka, nasaan naman kaya yung babaeng nakita ko? Sana naman dinala niya ko sa magandang lugar para paggising ko hindi na ako mangangapa sa dilim.

Sigh.

Martyr 0f 1861Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon