"Tiyak na agaw pansin ka na naman niyan, Gabriella!", tugon ni ina na agad ding sinang-ayunan ni Soleng.
"Mas lalo kang gumanda, binibini", dagdag pa nito na kanina pa hindi maalis ang mga mata sa akin.
Nakakailang. Receiving compliments from 19th century ladies are so much! Ilang beses pa akong naging paksa sa usapan nila at hindi na rin ako komportable sa bagay na 'yon.
I admit it. I was amazed too. My jaw literally dropped upon seeing this girl in front of the mirror.
As usual, baro't saya is life but this time, nagmukha na talaga akong tunay na Maria Clara.
Ang pañuelo na siyang tumatakip sa leeg ang naging palatandaan ng pagiging konserbatibo ng mga kababaihan sa panahong 'to.
Ang tapis namang kasama din dito ay may habang hanggang tuhod na yumayakap sa binti ng magsusuot nito.
Sounds old-fashioned but who cares? Nasa lumang panahon naman ako kung saan hindi umiiral ang kaartehan ng isang tulad ko.
Katatapos lang akong ayusan ni Soleng na eksperto pala pagdating sa mga ganito.
Maging ang pagkakapatong ng mga kolorete sa mukha ko ay maayos din--tipong hindi napapanahunan ang ginamit niyang istilo na dapat sa mga siglong ito ay makakapal ang itsura.
Hindi pa rin malaman kung paanong ang simpleng palamuti sa buhok ay mas lalo pang nagpaangat sa akin.
Hindi na rin pala nakapagtataka kung bakit mababakasan ang pagkamangha sa mga mukha nila. Sino ba naman kasing hindi mapapanganga kung isang dyosa ang nakaharap?
Buti nga't heto kami't pababa na sa kwarto dahil kung hindi ay baka hindi na rin kami matuloy sa pupuntahan.
Napansin ko din si ina na mukhang kapatid ko lang yata. Hindi man lang pansin ang mga kulubot nito sa mukha. Tipong nakakapagtaka kung anong sikreto nito't bakit gano'n siya kabatang tignan.
Pagdating naman sa labas ay ang nagkukuwentuhang sina ama, kuya Fidel, at Butchoy. They are patienly waiting, probably, for us.
Tulad namin ay magagara din ang mga kasuotan nila. Disenteng-disente ang tindig ng mga ito sa tabi ng mga karwaheng gagamitin namin.
Malinis at maayos na nakatupi ang bawat tela ng kanilang suot na americano. Lahat ng ito ay nagpapakita lang ng isang tatak ng pagiging principalia.
Payapa silang nagtatawanan at nagngingitian hanggang sa makita na nila kaming parating.
"Aba't ang ririkit naman ng dalawang ito!", sabi ni ama.
Nagkikislapan ang mga mata niyang dumako kay ina na tinatakpan ang mukha gamit ang dalang abaniko.
Wala akong naging tugon dito. Masyadong mabulaklak.
Sandaling nagbatian pa kami bago nagsipasukan sa kanya-kanyang karwahe. Inalalayan pa ako ni kuya Fidel sa pagsampa dahil hindi ko masyadong mabuhat ang saya kong napakabigat.
Dalawa ang dala naming karwahe papunta sa hacienda Taviel. Isa para sa mag-asawa at isa para sa mga anak. Puno ng magagandang ukit ang mga kahoy na ginamit na materyales para dito. Napakaelegante.
Nabalot na ng katahimikan ang buong paligid nang nagsimula na itong patakbuhin ng kutsero.
Yabag na lang ng kabayo ang maririnig dahil may kanya-kanya na ulit kaming ginagawa at tila ba may sarili ng mundo.
Inilibot ko ang paningin sa buong kabundukan na matatanaw sa dulong bahagi. Wala naman itong masyadong ipinagbago.
Napangiti na lang ako sa iilang mga puno na nagsisimula pa lang umusbong.
BINABASA MO ANG
Martyr 0f 1861
Historical FictionWalang paraan para matuldukan ang lahat. Ang patuloy na paghinga at pagpili ng kamatayan--alin man sa dalawa'y hindi magiging solusyon para tapusin ang nakatadhana. Highest Rank Achieved: #36 in historical fiction #18 in 19th century Date Published:...