Kabanata IX

78 5 2
                                    

"Teka lang. Saan mo ba 'ko dadalhin?", sabi ko kay Butchoy na tuloy pa rin sa paghila sa 'kin.

Paulit-ulit lang kaming dalawa. Magtatanong ako at hindi naman siya sasagot.

Napapairap na lang ako sa sitwasyon namin. Ano bang meron?

"Naku. Siguraduhin mo lang talagang importante 'yan!", pagpapaalala ko sa kanya.

Tanging pagkibit lang ang naging sagot niya at nagsimula na namang tumakbo. Napasunod na lang din ako sa kanya dahil napakahigpit ng pagkakahawak niya sa akin.

Tinungo namin ang hagdan pababa at agad ko namang napansin ang kakaibang awra ng paligid.

What's with this athmosphere?

Amoy bagong timplang barako din. Mukhang may bisita. Sino naman kaya't tanghaling tapat ay nagkakape?

Binitawan na niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Nagtungo na din siya papalapit sa kinaroroonan ng isang lalaki na nakaupo't nakatalikod sa direksiyon namin.

Wala na akong nagawa kundi sumunod din. Kita ko naman si kuya Fidel na nakaupo sa kabilang bahagi ng upuan.

"Ilang taon na rin mula nang hindi natin nakita ang isa't-isa", rinig kong sabi ni kuya Fidel sa kausap.

Napatingin naman ako sa taong 'yon. Pamilyar ang tanawin niya sa harap ko.

May kaputian ang kutis--halatang mestizo. Katamtaman lang ang hubog ng likod, hindi patpatin, hindi rin kalakihan ang katawan.

Lumapit pa ako ng kaunti sa kanila at agad na napako ang mga mata ko sa labi ng taong kanina lang ay nakatalikod sa akin. Kasabay nito ang paggalaw niyon at paglabas ng mga salita mula dito.

"Siyang tunay"

That voice. Hindi ako tanga para hindi malaman kung sino ang nagmamay-ari niyon. Ni minsan ay hindi rin ako nagkamali sa hinila.

Agad na dumapo ang mga mata ko sa kabuuang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makumpirma ang bagay na iyon.

Hindi naman mababakasan ang pagkagulat sa mukha niya. Mukhang inaasahan niya na nga yata ito. Nakapirmi lang ang mga mata niya sa akin habang may ngiti sa mga labi.

Isang pagtikhim ang pumutol sa palitan namin ng tingin. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya.

"Nagkakilala na ba kayo?", tanong ni kuya Fidel.

Awtomatik na napailing ako dahil sa sinabi niya. Mas mabuti na lang sigurong magpanggap. Mas makabubuti munang magsinungaling sa mga ganitong pagkakataon.

"Kung ganoon...", saglit siyang tumingin kay Gael.

"...malugod kong pinapakilala ang aking kapatid, Gabriella", sabay lahad sa akin. Napalunok naman ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sobra akong kinakabahan.

"Kababata ko nga pala, si Gael", bumalik ang tingin ko kay Gael hanggang sa magkasalubong kami ng mga mata.

Alam kong ikaw si Gael. Isang linggo na ang nakakakalipas!

Dahan-dahan siyang tumayo sa pagkakaupo. Mula sa kaninang pwesto'y naglakad siya papalapit sa akin.

No. Not again.

Napaatras ako nang kalahating metro na lang ang layo niya sa akin. Huminto siya sa paglalakad--nilagay ang hawak na sumbrero sa dibdib saka yumuko.

Inabot niya ang kanang kamay ko. Sa una'y hihilahin ko na sana iyon mula sa kanya pero sadyang ayaw niya na itong pakawalan.

Here it goes again. Heart beats fast. Nakikiliti na rin ako sa tila mga paru-parong nasa tiyan ko. Mas lalo pa itong tumindi nang maramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa kamay ko.

Martyr 0f 1861Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon