Kabanata X

67 8 0
                                    

"Maligayang kaarawan, señorita", sabi ng isang hindi pamilyar na tinig.

Napamulat ako at ilang criada ang hindi ko inaasahang makikita dito sa kwarto. Mga criadang hindi pa masyadong pamilyar sa akin.

Agad na napakunot ang noo ko dahil dito. Lumipat ang tingin ko sa dulong bahagi ng kama kung saan nakatayo si Soleng habang nakangiti sa akin.

Bigla naman akong napabangon sa pagkakahiga nang makita ko siya na naging kanlungan ko na sa mga ganito.

"The heck", naibulalas ko nang maramdaman ang pagkirot ng sentido ko. Napahawak ako dito nang bahagyang umikot ang paningin ko.

Napatakbo si Soleng sa tabi ko at napalitan ng pag-aalala ang mukha niyang kanina lang ay nakangiti sa akin.

"Ayos ka lang ba, binibini?", bulong niya sa akin. Tumango ako kahit ang totoo ay napakasakit pa nito.

Napatingin ako sa orasan na malapit sa amin. And yes, 5 o'clock pa nga lang ng madaling araw.

E sino ba kasing nagsabi sa 'yo na alas tres ka matulog?

Kasalanan ko bang ang gusto lang ng katawan ko nang mga oras na 'yon ay magpagulong-gulong sa kama?

Napahilamos ako ng mukha. Pakiramdam ko tuloy parang minuto lang ang itinulog ko. Kung bakit ba kasi ganito? Kung bakit ba kasi ako nagkakaganito?

"Kung ganon. Maligayang kaarawan muli, binibini", bati ni Soleng. Napabalik ako sa sarili nang marinig ko siya.

"Ano kamo?", bulong ko sa kanya na hindi inaasahan ang balitang 'yon.

"Kaarawan mo ngayon, binibini...", napayuko siya at para bang hindi nagustuhan ang tanong ko sa kaniya.

"...nakakalungkot lang dahil pati pala ito ay nakaligtaan mo na rin", malungkot na sabi niya.

Siniko ko siya dahil dito. Kay aga-aga kasi ay nagdadrama. Daig pa ang semana santa kung makalukot ng mukha. Napairap ako saka pinatong ang kamay sa braso niya.

"Hay naku. Huwag ka ngang ganyan", pagpapagaan ko ng sitwasyon. Natawa pa ako dahil sa tono niya kanina na akala mo'y malaking bagay 'yon.

Malamang importante 'yon sa isang tao lalo na sa magdiriwang nito pero hindi naman siguro sapat na ikalungkot niya 'yon lalo na't hindi naman niya kaarawan.

Hindi naman kasi ako nagce-celebrate kahit dati pa kaya parang wala lang 'yon. Ni hindi ko nga alam na isang araw pagmulat ko ay birthday ko na pala.

I just shrugged. Siguro naging parte na rin ng buhay niya ito. Yung gigising siya ng maaga dahil isa itong espesyal na araw para kay Gabriella kahit pa na hindi sila malapit sa isa't isa.

Nevermind. Naiistress ang mga brain cells ko kakaisip. Basta! Birthday ko daw. Nilingon ko si Soleng at nakakangiti na ulit ito pero hindi nga lang 'yong umaabot sa mata.

Napahikab ako dahil as in, antok na antok pa ako. Sobrang aga naman kasi kung manggising ng mga ito. Nasa kalagitnaan pa ako ng pag-uunat nang magsalita ulit si Soleng.

"Tumayo ka na dyan at hindi na kayo pwede pang mahuli ulit sa misa ngayon", saka siya tumalikod sa akin.

Naalala ko na naman ang unang beses kong pagpunta sa simbahan nitong nakaraang linggo lang. Panay ang gising sa akin ni Soleng noon dahil hindi ako sanay na magising ng maaga. Pumunta na rin si kuya Fidel pero isang tilaok lang rin ng manok ang naging katapat ko. Yaong literal talaga na isang tapatan lang. Aba'y loko kasi si kuya Fidel nang mga araw na 'yon. Magdala ba man daw kasi ng manok sa kwarto at itinapat pa nga sa tenga ko.

Martyr 0f 1861Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon