Kabanata III

140 9 5
                                    

Hindi ko namalayan na sa tagal ko na nga palang nandito ay tuluyan na ding nabalot ng kadiliman ang buong paligid.

Tanging liwanag lang na nanggagaling sa buwan ang nagbibigay buhay sa kinatatayuan ko ngayon.

Makikita sa ibaba ang bawat ilaw ng mga tahanan na nagmistulang kulisap na lang sa paningin ko.

Malamig ang ihip ng hangin kaya bahagya akong napayakap sa mga braso ko habang nililipad naman nito ang bawat hibla ng buhok ko.

Nanatili akong nakaharap sa matayog na bundok habang malalim ang iniisip.

Sana nga gano'n na lang. Sana nga hindi na lang ito ang panahon o ang mundong ginagalawan ko.

Parang wala akong pamilya dito--no, rephrase that. Wala naman talaga akong pamilya dito. Walang nakakakilala sa akin. Walang nagmamahal at wala ring kaibigan.

Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito. Parang ang hirap makisalamuha sa mga taong abot-kamay mo na nga lang pero parang napakalayo nila sa'yo.

Simula bata pa lang ganito na ako. I'm afraid of people. Para bang kapag pinayagan ko silang makapasok sa buhay ko, hindi rin sila tatagal dahil hindi sila tumutugma sa katauhan ko.

Parang lahat ng nasa paligid ko ay hindi umaakma sa akin. Napakahirap nilang pakisamahan bukod sa iba na talaga ang ugali ng mga kabataang katulad ko ngayon.

May kung anong naglalayo sa akin sa mga tao dito. Parang magnet lang na humihila sa isang bagay pero ang pinagkaiba, hindi ako makalapit sa kanila at kapag lumapit man ako, lalayo lang din sila at kapag lumapit man sila sa akin, lalayo lang din ako.

Parang sa rules ng magnet. Negative to negative and positive to positive, kahit anong gawin, hindi pa rin mapaglalapit.

Para akong negative na kailangan ng positive at ang positive na 'yon ay wala dito. Dahil nga salungat siya sa akin, parang salungat din na mundo ang ginagalawan niya.

I don't know if there's such a thing. Baliw na nga yata ako at kung ano-ano na lang ang naiisip ng utak ko.

Ayos lang sana kung walang pamilya ang aagapay sa akin sa lahat ng oras pero ayoko rin naman ng ganito.

Kaya ko namang mabuhay ng mag-isa sa ngayon pero hindi ko yata kakayaning tumanda ng nag-iisa.

Mahirap.

Hindi naman yata ako papayag na mag-isang maiiwan at uugod-ugod na lamang pagdating ng araw.

Goodness gracious! I'm 23 years old and yet I don't have any boyfriend since birth!?

Bigay lang ako ng bigay pero walang bumabalik sa akin! It's too hard to find someone in this world full of taken s-hits!

Gusto ko ding maramdaman kung papaano ba ang pakiramdam ng taong may nagmamahal sa'yo.

'Yung tipong siya at siya lang ang dahilan ng paghinga mo--na sa tuwing nasasaktan siya ay pareho niyong kakalabanin ang mundo at pareho niyong susuungin ang lahat ng problema.

'Yung tipong siya lang ang gusto mong kasama sa paglipad sa himpapawid, sa kanya mo lang hahayaang mahulog ang sarili mo, at higit sa lahat, mahihigitan niya ang lahat ng binibigay mong pagmamahal sa kanya.

Ang sarap.

Ang sarap siguro ng gano'ng pakiramdam. Libre lang naman daw ang mangarap pero kailan ko nga ba matitikman ang gano'ng pakiramdam? Sabi nila, pantay-pantay lang naman daw ang karapatan nating mangarap pero parang ako na lang ang napag-iiwanan ng pag-asa.

Hindi naman siguro masamang humiling, tama ba? Katanggap-tanggap naman ang humingi ng bagay na karapat-dapat lamang sa'yo.

Napadesperada mo Gabby! Sigaw ng isang parte ng isipan ko pero ano pa nga bang magagawa ko? As if namang magkakatotoo ito.

Martyr 0f 1861Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon