"Ayos na ba 'ko?", muli kong narinig ang malalim na paghinga ni Soleng.
Paano ba naman kasi. Ilang beses na 'kong nagtanong ng ganito pero heto ako't paulit-ulit pa ring nagtatanong.
"Oo nga sabi", napasimangot ako sa sagot niya. Oo daw pero bakit kapag tumitingin ako sa salamin parang sinasabi ng mukha kong hindi pa?
Narinig ko ang paghagikgik ni Soleng sa likod ko. "Ako ba'y niloloko mo?", hindi ko napigilang itanong. Nagtatanong ako ng matino pero tatawa lang siya?
"Hindi naman sa ganoon. Napansin ko lang na todo ayos ka ngayon. Mamaya ay masobrahan ka na niyan", depensa niya sa sarili at saka sinabayan ng tinging...tama bang nang-aasar?
"Sino ang maswerteng ginoo, binibini?", pahabol niya pa na may halong panunukso.
Agad kong naramdaman ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha at ang at pag-iinit nito. "A-ano bang sinasabi mo?", saan mo nakukuha ang lakas ng loob? Hindi ako komportable sa bagay na 'yan dahil wala naman talaga akong alam sa tinutukoy niya.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya at umupo ulit sa harap ng salamin. Pilit kong iniiba ang usapan dahil nag-iiba ang ihip ng hangin kapag 'yon ay nababangit.
Ngumuso ako at pinagdaop ang dalawa kong kamay bago nagsalita. "Ayaw ko nito", turo ko sa buhok ko na nakaipit ng pusod.
Parang ang simple lang kasi niyang tignan. Napakaplain at naiinis ako sa kung paano ko ito nakikita sa taas ng ulo ko.
Alam ko namang mas simple, mas maganda pero ewan ko ba! Bigla-bigla ko na lang nagugustuhan ang mga sopistikadang bagay kaya pati ako ay nahahawa.
"Ano bang gusto mong gawin natin dyan sa buhok mo? Takip silim na at nakailang ulit na tayo sa kakaayos niyan", ngayon ay nakapamewang na siya sa harap ko. Ito pa lang ang unang beses na nagreklamo ng ganyan si Soleng.
Napakibit balikat ako. Sabagay. Sino ba namang hindi aangal kung halos mangawit na ang kamay niya sa kakamaniobra ng buhok ko?
"Gusto ko pusod din pero sana nasa ilalim at kaliwang bahagi ng ulo ko", masyado na kasing karaniwan ang simpleng pusod na ginawa niya.
Kaya nga todo ayos ako dahil gusto kong maging presentable sa mata ng mga bisitang dadalo mamaya. But just looking at the way my hair salutes at the top of my head? I don't think so.
"Pero maayos naman 'to 'di ba?", sabi niya na akala mo'y nabasa niya ang iniisio ko. Napabuntong hininga siya at pumwesto ng tayo sa likod ko.
Ngayon pa nga lang ay parehas na kami ni Soleng ng ayos ng buhok, what more paglabas ko ng kwartong 'to?
"Sana'y panghuli na 'to", napatango na lang ako na parang bata habang pinapanood siyang tanggalin sa pagkakabuhol ang buhok ko at muli itong sinuklay.
"Ganito ba?", ipinakita niya sa akin ang buhok kong bahagyang nakapaikot sa bahagi kung saan ko 'to gusto. Napatango ako pero nang akmang aayusin na niya, tsaka ko naman siya pinigilan.
Ngayon, siya naman itong napasimangot. Ang sarap pa lang inisin ni Soleng. Para akong nang-iinis ng isang nakatatandang kapatid.
Kumuha ako ng ilang hibla ng buhok sa gilid at itinirintas ito. "You may proceed", sabay ngiti ko sa kanya ng matapos.
"Kung ano-ano na namang lengguwahe ang sinasabi mo", napapailing na lang siya.
Kanina ko lang din nalaman na mas matanda pala siya sa 'kin. Hindi ko 'yon nahalata noong una dahil ang bata niyang tignan. Akalain mong bente quatro na pala siya? Kasing edad lang ni kuya Fidel at mas matanda sa akin ng isang taon sa hinaharap.
BINABASA MO ANG
Martyr 0f 1861
Historical FictionWalang paraan para matuldukan ang lahat. Ang patuloy na paghinga at pagpili ng kamatayan--alin man sa dalawa'y hindi magiging solusyon para tapusin ang nakatadhana. Highest Rank Achieved: #36 in historical fiction #18 in 19th century Date Published:...