Kabanata VI

98 4 0
                                    

Sa panahong ito. Sa taong 1861, unti-unti kong natatagpuan ang lugar na kababagayan ko.

Ang panahon na paulit-ulit kong hinihiling na sana'y akin na lang--na sana'y hindi ako nanghihiram ng ibang katauhan para lang maranasan ang ganitong pagtanggap.

Ano na lang ang gagawin ko sa bigla-biglang paglitaw ng mahiwagang nilalang na 'yon?

"Florence Elle Coralle ...", pinasadahan ko ng daliri ang pangalan na nakasulat sa ibabang bahagi ng kapirasong papel.

"Cassidy Vianne Blair...", bulong ko nang malingunan naman ang isa pang papel na katulad ng kanina ay nakasulat din sa parteng ibaba.

Isang misyon ang binigay sa akin kapalit ng pananatili dito at tiyak akong ang misyon na ito din ang magpapabalik sa akin sa kasalukuyan.

Ayoko na. Gusto kong itapon na lamang ito at ipagsawalang bahala pero kahit papaano'y may isang parte pa rin sa akin na pumipigil na gawin ang bagay na 'yon.

I sigh. Nakapag-isip na ako. Hindi ko gagawin ang misyon na ito. I badly want to stay here.

Ilang araw na ang lumipas at ilang gabi na rin ang hindi ko pinansin. Ni hindi ko man lang namamalayan ang paglubog at paglitaw ng araw.

Inikot ko ang paningin sa loob ng silid na kinaroroonan ko. Pati ang mga nasa paligid ko ay puno ng pagkasopistikada.

Magmula sa malaking canopy bed na kinauupuan ko hanggang sa mga bagay na nag-uumapaw ng kamahalan ay mga bagay na hindi ko kinagisnan.

Napakalaking espasyo ang nasasakupan ng buong silid. Kaunti lang ang mga gamit na nandito pero kung meron ka mang makita na isa, tiyak na ilang salapi din ang kakailanganin mo para makuha ito.

Binalik ko ang tingin sa dalawang kapiraso ng papel na hawak ko--mesmerizing the time I first saw the two names written on it.

Matapos ang araw na 'yon, I just found myself staring at it. Hindi ko alam kung paanong nagkaroon 'yon ng sulat.

Malinaw na natatandaan kong walang laman ito na kahit ano nang paulit-ulit ko itong tinitignan. I even hid it under the bed!

Imposible namang may makapasok na ibang tao doon at mahanap 'yon ng hindi man lang nagugulo ang pinaglagyan nito.

Guess what the most intriguing? Ang dugo lang naman na pinansulat sa isa sa mga pangalan.

Florence Elle Coralle

Aaminin ko na natakot ako nang una ko itong nakita. Hindi pa nga ako naniwala agad na dugo ang ginamit doon pero nang amuyin ko na, gano'n na lang ang pangingilabot na naramdaman ko.

Akmang pupunitin ko na sana ito. Konting galaw na lang at mapupunit ko na nang may biglang kumatok sa pintuan at pumasok si Soleng.

"Binibini, isang linggo kang nakakulong dito. Bagay na hindi mo man lang pinagbago. Gusto mo bang lumabas muna ng saglit?", nakangiti nitong mungkahi.

Bigla ko na lang naitago sa ilalim ng unan ang dalawang papel at saka napatingin sa kanya.

Pilit akong napatawa dahil doon. Alam kong hindi ito ang oras para tumawa pero ito lang ang tanging alam kong paraan para mawala ang pagkagulat ko sa kanya.

"G-ganun ba?", the fudge! Why am I stuttering?

Tango lang ang isinagot niya sa akin saka lumabas.

Napahinga na lang ako ng malalim ng mawala siya sa paningin ko. Hindi ko man lang namalayan na gano'n na pala ako katagal dito.

Infairness, hindi man lang ako inatake ng pagkaburyo. Paano ba naman kasi? Sa tuwing gigising at matutulog na lang ako ay siya din namang paglitaw ng problema sa isipan ko.

Martyr 0f 1861Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon