Chapter 5 - she understood!!!

9K 189 9
                                    

- RILEY -

'' bes ano sali ba tayo? '' ulit na naman ni ana sa akin. Tinutukoy niya yung sa sorority. Uwian na kasi namin at ngayong araw yung magiging screening for first year students.

'' no '' maikli kong sagot.

'' Ha??? bakit no????? '' kung maka ha naman ito parang wala ng bukas.

Tumigil muna ako sa paglalakad at tinapatan ko ang bestfriend ko.

'' anong ha?? at anong bakit no? malamang dahil ayaw kong sumali kung gusto mo ikaw na lang '' naglakad na ulit ako.

'' beees naman eeeee '' hay naku heto na naman po siya pumapadyak pa ng paa.

Ginaya ko nga.

'' beees naman eeeee ''

tumigil siya pero ngumuso naman. Bigla naman dumating ang isa pa naming kaibigan si Bel, kasama rin pala si Noora  at nakisali sa usapan, syanga pala mga pinoy din sila kaya walang englisan sa conversation namin.

'' guys tara?? '' sabi nila.

'' saan? '' tanong ko naman.

'' san pa ba eh di sa sorority house ''

'' ay naku ayaw ko kayo na lang at isama niyo itong si ana ''

'' bakit ayaw mo? maganda kaya yun, magiging sikat pa tayo ''

'' ayaw ko maging sikat dahil kaakibat nun ay chismis at ayaw ko ng ganun. ''

'' hay naku tara na nga at hindi natin yan mapipilit si bes '' malungkot na saad ni ana, niyakap ko ito.

'' sorry na okay, pero alam mo naman na this is not my thing diba '' tumango ito.

'' sure ka na talaga? ''

'' yep and beside may work pa ako at mali - late na kaya sige na go na kayo ''

'' okay ingat ka bes '' at nagpaalam na sila, ako naman ay lumabas na rin ng campus at dumiretso na sa part time job ko.

- DOMINIKA -

As expected marami ang pumuntang mga freshmen, sikat kasi ang sorority namin lalo na ng ako na ang naging president. I roam my eyes around hinahanap ko siya, pero wala talaga hanggang sinarado na ang pintuan.

Dahil wala ang baby girl ko ay nawala na rin ako sa mood magpasimuno ng hazing  but don't freak out guys, it's not what you think diba sabi ko nga when I became the president marami akong binagong rules at isa na rin ang pagpapahirap.

'' ahm maya can you be the one incharge? ''

'' why diba palagi naman ikaw ang nagpapasimula? ''

'' wala kasi ako sa mood and may inuutos sa akin si dad. '' I lied sa pangalawa talagang tinatamad lang ako.

'' okay surething ''

So after ko magbigay ng speech ay umalis na rin ako. I just feel so frustrated, nakakainis pa at wala si riley, siya pa naman ang reason kung bakit ko binago ang rules for freshmen, asar nabokya pa.

Pumasok na ako sa kotse ng mag ring ang phone ko - si jex.

Sinagot ko ito, gusto raw makipagkita sa akin, eh wala naman talaga akong gagawin so pumayag na rin ako.

-------------------

Pumasok ako sa favorite kong pastry shop. Binabalik balikan ko talaga ito ang sarap kasi talaga ng mga gawa nila rito.

When I got in lahat ng mga mata ng tao ay tumingin sa akin. May 3 lalaki sa loob and their gazes? well san pa nga ba nakatutok? e di sa sexy ko lang naman na katawan, tinarayan ko nga, mga bwisit!

THE MAXINE SISTERS SERIES  ( DOMINIKA ) GxG Story / Tagalog - One Summer MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon