- DOMINIKA -
'' DANIKA???? '' feeling ko umikot ng tatlong beses na 360 degrees ang mundo ko ng makita ko ang kapatid ko na halos hindi humihinga at gulat na gulat.
Sumunod naman sa likuran niya si Ana na halos pinagpapawisan at parang nakipag debate sa itsura ng kanyang mukha.
'' Sorry pinigilan ko naman siya eh '' pagsusumamo ni ana sa aming dalawa ng bestfriend niya, ramdam ko naman ang simpatya nito sa boses niya.
Lumingon sa direksyon niya si danika and gave her a death glare.
'' D...da..nika? '' pag uulit kong nauutal pa.
After kay ana tiningnan niya ako ng matalim.
'' labas '' mahinahon niyang salita.
'' huh? '' maang kong sagot, sa dami kasi ng tumatakbo sa isipan ko hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng kapatid ko.
Nagbuntong hininga siya '' I said get out, sa labas tayo mag uusap '' diin niyang sabi at nagpatiuna na papunta sa may parking lot na hindi maipakakailang mas tahimik kaysa sa loob.
Nakatayo kaming tatlo nina riley at ana, para kaming paparusahang mga estudyante ng teacher naming si danika, lahat kasi kami nakayuko. Nakayuko ako hindi dahil sa nahihiya ako sa kapatid ko, ang totoong rason ay dahil nagi guilty ako. Danika is so close to me lahat ng problema niya sinasabi niya sa akin, as in lahat ha pati pa nga yung first anek nila ni gerald eh. Ganun siya katransparent sa akin. Kaya alam kong nasaktan siya ng nalaman niyang naglilihim ako.
Lumipas ang mga 10 minuto pero wala pa ring nagsasalita. Alam ko kasing 30 minutes ang nakalaang oras ni danika para kumalma kaya kung maghihintay pa ako ng another 20 minutes ay baka mangawit na kaming masyado sa pagkakatayo at ugatan na. Kaya nag deep breath ako at magsasalita na sana ng mapansin kong papalapit siya kay riley.
Pareho pa ata kami ng nasa isip ni ana na baka sa pagkamaldita ni danika ay masampal niya si riley so hinarang agad ni ana ang katawan niya sa bestfriend niya.
Napahinto si danika at tinaasan ng kilay si ana.
'' move '' ma awtoridad niyang saad.
'' No! don't you ever hurt my bestfriend '' madiing sabi naman nung isa.
Napaismid lang si danika at nag smirk.
'' are you fucking kidding me? saktan? '' at biglang hinawi ni danika si ana patabi. Parehong lumaki ang mga mata namin ni ana ng biglang niyakap ng kapatid ko si ryle.
'' welcome to the family riley '' mahinhin nitong saad.
doble naman ang gulat ni riley at parang naging istatwa sa loob ng mga bisig ng kapatid ko, nakaawang pa ang mga labi niya.
'' t....thank y...you?? '' patanong niyang sagot. Halata rin kasing naguguluhan ito sa mga pangyayari.
Kumalas na sila sa pagkakayakap at ngumiti na si danika sa kanya.
'' y...you're not mad dan? '' tawag ko sa kanya kapag naglalambing.
Tiningnan niya ako ng mala tigreng tingin at agad napawi ang ngiti sa kanyang mga labi.
'' kay riley hindi sayo OO!!!! '' nakita ko sa mga mata niya ang sakit at hindi galit.
'' b...baby ''
'' How could you do that to me Nika, bakit kay donthy sinabi mo? akala mo ba hindi kita matatanggap? the hell! kapatid mo ako!!!!! ''
'' danika ''
'' please patapusin mo muna ako '' she stop me and I nod.
'' you know sa inyong dalawa ni donthy mas malapit ako sayo, pero ano? '' napailing siya at nangingilid na ang mga luha nito sa kanyang magagandang mga mata.
'' Lahat sinasabi ko sayo nika you know how much I love you, akala ko ba we're partners in crime so why it ended up like this, you should trust me!! ''
Nasasaktan ako sa nakikita ko umiyak na kasi ng tuluyan ang kapatid ko sa harapan ko. Lumapit ako at niyakap ko siya. Ayaw niya ng una maarte to eh pero bumigay din naman sa huli.
'' I'm sorry baby, I'm so sorry natatakot lang ako sa magiging reaksyon mo at sa magiging pagtingin mo sa akin '' patuloy kong hinahagod ang likuran niya.
'' even so dapat sinabi mo. I am loving you so much para hindi ko tanggapin ang relasyon mo kay riley, mabuti pa si donthy alam niya '' hikbi pa rin ito ng hikbi...pero rinig mo ang pagseselos nito sa bunso namin. Napakaselosa kasi nito at possessive lalo na kapag mahal na mahal niya at alam niyang sa kanya.
'' ssshhh ikaw talaga nagseselos ka naman '' biro ko dito to lighten up the atmosphere naiyak na din kasi ako.
She hovered her head up so I cupped it with my hands. Naka pouty lips ito.
I smiled at her '' tama na pag iyak, sorry na baby '' humikbi na naman ito. Minsan kasi para itong bata kahit pa siya ang pinaka bratinela at masungit at isama mo pa ang pagka maldita sa pamilya.
'' sige na nga I forgive you na in one condition '' heto na naman po ang kaartehan nito.
'' ano yun? '' tanong ko sabay pahid sa mga luha nito sa mukha.
'' kiss mo ako sa lips '' napa awang naman ang mga labi ng dalawa na kanina pa tahimik sa gilid.
'' danika naman nandyan ang girlfriend ko oh ''
Tumawa naman ito at tumingin kay riley '' joke lang yun '' sabay kindat dito.
'' ano babalik pa ba kayo sa loob? '' tanong ni danika sa akin.
Umiling ako '' I have a better idea '' nagets naman ito kaagad ng kapatid ko at lumiwanag ang aura ng kanyang mukha.
I texted maya and the others na aalis na ako at sila na ang bahala sa lahat total kayang kaya na nila yun.
Kasama ang kapatid ko ang girlfriend ko at ang bestfriend niya ay pumunta na lang kami sa lugar na kung saan ay mas mag ienjoy pa kami.
saan?
Sa beach!!!
BINABASA MO ANG
THE MAXINE SISTERS SERIES ( DOMINIKA ) GxG Story / Tagalog - One Summer Moment
RomanceSERIES #1 ONE SUMMER MOMENT ( COMPLETED ) Ang istoryang ito ay konektado rin kina Daniela at Denton Maxine. Hindi niyo sila kilala??? well too bad, joke lang pero it's better late than never nga diba. Karakter sila sa MY GIRLFRIEND IS ONE OF THE...