Chapter 24 - the other Maxines

4.4K 128 1
                                    

- Riley -

'' hon who's danie at may pa I love you too I love you too ka pang nalalaman? '' nakanguso kong tanong kay nika na nagmamaneho papunta sa uncle drew niya ata yun?

Oo na nagseselos ako kasi naman si danika pumunta pa sa uni para sabihan na tumawag siya agad agad pati ha sa danie na yun at ginawa naman nga niya. Tapos ang tagal tagal pa nilang mag kausap at sa huli may I love you too pa siyang nalalaman, nakalimutan na nga ata niya na kasama niya ako eh.

'' bakit parang nakakaamoy ako ng selos?? '' nakangiti niyang saad, kainis naman ito alam na nagseselos na nga tapos parang pinag didikdikan pa sa akin.

'' hmmmm hon nga sino yun? '' ungot ko lalo na atang humaba ang nguso ko.

she chuckles, hinawakan niya kamay ko at pinisil pisil.

'' danie is our cousin. Sila lang talaga yung family namin and she has a twin brother at nagsosolong thorn sa magpipinsan - si denton. Si uncle drew ang daddy nila na bunsong kapatid naman ni daddy ''

ah pinsan naman pala akala ko kaagaw ko eh.

Napangiti na ako.

'' so you mean walang kapatid ang mom mo at mom nila? ''

'' precisely that's why we're really close to each other para na kaming magkakapatid, and si danie or daniela and denton kaedad sila ni donthy '' paliwanag niya pa, bigla naman akong nangiti. Tumingin siya sa akin na hawak hawak pa rin ang kamay ko.

'' bakit nakangiti ka diyan? ''

'' wala naman napansin ko lang kasi na puro kayo letter D ang name '' sumilay na rin ang mga ngipin niya sa kanyang maganda at nakakaakit na bibig.

'' yep that's true, sinunod nila sa mga daddy namin eh. Derek and Drew Maxine. Kapag  initials nga lang ang pangit '' sabi niya pa, nagtaka naman ako.

'' huh bakit? '' sumulyap siya sa akin.

'' D. M ''

'' oh anong pangit dun? ''

'' parang sakit DM - DIABETES MELLITUS! ''  pumalatak siya ng tawa samantalang ako wala lang. Nang napansin niyang waley ang joke niya tumigil ito.

'' ang korny mo na noh '' biro ko at pinisil ang pisngi niya.

'' ikaw kasi eh, binago mo ako! '' sibad niya sa akin.

'' at ako pa talaga ang sinisisi mo '' nakapameywang na ako at kunwari galit.

'' oo ay este hindi naman hon '' pilit itong ngumiti.

'' good mabuti na yung nagkakaintindihan tayo '' sabi ko pa pero hinalikan ko naman ito sa pisngi, kakagigil kasi ang kutis nito!

'' here we are ''

Napatingin ako agad pagkasabi niya at bumulaga sa akin ang isang mansyon.

'' wow is that a mansion??? '' turan ko at ngumiti siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko and she ushered me papuntang loob.

Binati naman kaagad kami ng mga guards at katulong sa bahay na naka uniform pa talaga.

'' ganito rin ba kalaki ang bahay niyo hon? '' medyo nahihiya ko pang tanong sa kanya at ngumiti lang naman ito sa akin.

'' ahm yaya si uncle drew po? ''

Nagulat ako at nagtagalog si nika habang kausap yung maid na parang foreigner ang itsura at mukhang narinig naman niya ang tanong sa isip ko.

'' oo marunong dito mag tagalog hon, laking pinas rin naman sila katulad namin '' sabay kindat nito sa akin.

'' wala ho seniorita, kakaalis lang po, may kailangan po kayo? ''

'' ah ganun po ba sige ako na lang po magdadala nito sa office ni uncle ''

'' sige po '' at umalis na siya.

Tinawagan muna ni nika ang uncle niya at sinabing may iiwan siya sa office na pinapabigay ng dad niya.

Umakyat na kami sa 2nd floor at pumasok sa isang malaking kwarto, ang laki naman at ang mga gamit mukhang mga mamahalin. Ang yaman yaman pala talaga ng pamilya nila.

Nagpalinga linga ako sa kwarto at tiningnan ang mga nakasabit na pictures. Isang babae at lalaki na magkamukha.

'' siya si danie at denton '' pagpapakilala ni nika na nasa katabi ko na pala.

'' ang ganda ganda naman niya hon at ang pogi ni denton ''

Umakbay sa akin si nika. '' mas maganda pa sa akin?? '' mukhang may ibang himig akong natunugan dun ah.

Inikot ko ang kamay ko sa bewang niya as I rested my head sa balikat niya.

'' mas maganda ka pa rin hon '' sabi ko

'' aba dapat lang girlfriend kaya kita ''

'' sus arte '' sabi ko at kinurot ko ito ng mahina sa tagiliran.

'' ouch '' maarte niyang wika sabay halik sa ulo ko.

hay ang sweet

Naglakad pa kami ng kaunti at tumapat sa dalawa pang litrato.

'' this is uncle drew and aunt dana ''

'' hmmm now I see the resemblance sayo ''

'' sa akin?? ''

'' yep malakas ang dugo ng maxine sayo hon maging kay denton and donthy while daniela and danika more on sa mother's side ''

'' naks naman ang galing galing naman ng honey ko '' at hinalikan ako nito.

'' hon baka dumating uncle mo makita pa tayo diba katulad siya ng dad mo ''

'' oo nga pala, sorry anyway don't worry one of this day ipagtatapat ko na din kay dad ''

'' sure ka na ba diyan kasi kung -- '' she stop me

'' ssshhh i'm sure gusto ko na rin magpakatotoo eh kahit sa mga kaibigan ko especially sa family ko ''

Tumango ako '' okay hon, I hope everything will work just fine ''

'' it will hon, it will ''

Then niyakap niya ako ng sobrang higpit at alam ko na for myself that I am really inlove with this woman in my life.

THE MAXINE SISTERS SERIES  ( DOMINIKA ) GxG Story / Tagalog - One Summer MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon