- RILEY -
I couldn't still sink into my brain how come that this rich, famous, and oozing with sex appeal and sexiness Dominika Maxine was inlove with me.?
Inlove with me?
gosh!
Inlove with me?
aba isa pa te at mababatukan na kita, ulit ulit? - imbyernang inner self ko na naman.
After ko lumabas sa pintuang yun ay dumiretso agad ako dito sa bahay. Nagulantang talaga ako sa pinagtapat niya. Hindi ko tuloy alam kung nananaginip lang ba ako or totoo talagang sinabi niyang yun?
At naiinis pa ako sa sarili ko when it comes to her nagiging mahina ako, ang rupok rupok ko hinalikan lang ako tapos hinalikan ko rin naman agad agad.
Waaaahh!!!!!! sigaw ko sa loob loob ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip ko dito sa kwarto ko ng may biglang bumukas ng pinto.
'' Bes!!!! '' sigaw na naman ni Ana, napahawak ako sa dibdib ko.
eh sa magugulatin talaga ako, magagawa ko?
'' ano ba ana, kumatok ka naman at huwag kang mang gugulat '' asik ko dito.
Pumalatak ito
'' ano ka ba naman din riley kanina pa ako nagtetext at nagtatawag hindi ka naman po sumasagot, buti pa si tita Rebecca marunong gumamit ng cellphone at parang ikaw hindi '' umismid ito at humalukipkip. Ni hindi pa nga niya nasasara ang pintuan nagtatatalak na kaagad. Si ana nga naman.
Napatingin ako sa phone ko na nasa katabi ko lang naman talaga. May 13 missed calls na nga siya at 26 messages, ang lalim na ata talaga ng iniisip ko at hindi ko ito namalayang tumunog.
Bang!!!!!
Nagulat na naman ako, si ana kasi pasarang binagsak ang pintuan ng kwarto ko.
'' ano ba ana!!? '' sigaw ko sabay hilot sa temples ko.
Lumapit na ito sa akin at hinila ang tenga ko.
'' aaarray ko naman!! ''
'' oh ano gising ka na ba?? '' saad nito sabay hila nung upuan sa study table ko at umupo katapat sa akin.
'' anong meron??? '' tanong niya
'' anong meron??? '' sagot ko naman.
Umismid na naman ito at binatukan ako so binatukan ko din siya.
'' ano ba riley, bakit ka pinatawag ni dominika??? ''
Umiwas ako ng tingin.
'' ahm ahm.... ''
'' nandyan ka na naman bes '' pumalatak na naman ito sabay kuha ng ballpen ko sa ibabaw ng study table ko.
'' itutusok ko ito sayo, ano nga!!!! ''
at nanlaki na naman mga mata nito.
'' don't tell tanggap ka sa sorority bes!!!!'' tumayo ito bigla.
'' ano???? ''
'' how dare you hindi na nga kami tumuloy ng mga kaibigan natin dahil hindi ka sumali yun pala s --- '' hindi na niya natuloy ang sana ay litanya na naman sa akin, binato ko kasi ng unan sa mukha.
'' huwag kang Oa hindi ako sumali dun! ''
Niyakap niya ang unan at muling umupo katapat ko.
'' eh ano nga??'' nawawalan na ito ng pasensya.
BINABASA MO ANG
THE MAXINE SISTERS SERIES ( DOMINIKA ) GxG Story / Tagalog - One Summer Moment
RomansaSERIES #1 ONE SUMMER MOMENT ( COMPLETED ) Ang istoryang ito ay konektado rin kina Daniela at Denton Maxine. Hindi niyo sila kilala??? well too bad, joke lang pero it's better late than never nga diba. Karakter sila sa MY GIRLFRIEND IS ONE OF THE...