Chapter 17 - Pursuing to win her heart

5.1K 141 0
                                    

- RILEY -

It's exactly 1 month nang nagtapat sa akin ng nararamdaman niya si nika - yep nika tawag ko sa kanya, bukod kasi sa marami ang tumatawag sa kanya ng dominika I find it more cute na tawagin siya with her nickname para kaunti lang kami, ayoko ko kasi ng ganun - gusto ko ako lang, sa akin lang si nika.

nika rin kaya tawag sa kanya ng family niya.

atleast family yun hindi ko kaagaw.

ay sus nadali na ng lintik, mang angkin ba naman ng hindi pa sa kanya, pakipot ka pa kasi te!!!!

eh bakit ba sa akin lang naman talaga si nika ah, mahal ko kaya yun......during our first encounter feeling ko mahal ko na siya

landi! then why you still not telling her yet?

natatakot pa kasi ako makipagrelasyon ulit.

bahala ka kapag nawala pa siya sayo lagot ka.

hindi yun mangyayari

'' hindi yun mangyayari! ''

'' HAH? alin ang hindi mangyayari??? ''

Napatingin sa akin ang bestfriend kong si Ana na bakas ang labis na pagtataka sa kanyang magandang mukha, nasambit ko na pala ng malakas ang pinagtatalunan namin ng isip ko.

'' ha? w...wala bes '' napalunok ako at hinigop ang natitira ko pang juice sa baso, nandito pa kasi kami sa cafeteria sa loob ng school.

'' wala daw tigilan mo ako ha for sure si dominika na naman iniisip mo '' pabulong niyang sinambit ang pangalang dominika baka kasi may makarinig.

tumango lang naman ako.

'' bes naman kasi bakit ka pa ba nagdadalawang isip? halata naman sayong may gusto ka rin sa kanya, first encounter niyo pa nga lang binigay mo na agad ang puri mo sa kanya ''

hinampas ko ng malakas ang kamay nitong nakapatong sa mesa.

'' ulit ulit?? '' umismid ako, tumawa lang naman ito.

'' seryoso nga bes, go na ano pa bang kailangan mong isipin? ''

'' hindi kasi ganun kadali bes, magkaibang magkaiba kami noh ''

'' kung yan palagi mong iisipin mawawala sayo ang taong totoong nagmamahal sayong loka loka ka '' tinusok nito ang sintido ko.

'' alam mo grabe ka na ha, hindi ko alam kung bestfriend ba talaga kita sa ginagawa mo sa akin ''

'' whatever! ''

Nagtatawanan kami ng may lumapit na delivery boy at may hawak itong isang bouquet na pulang mga rosas.

'' Excuse me mam, who's..... '' tumingin ito sa listahan niya.

'' Ms. Riley Demetrio? ''

agad naman akong tinuro ni ana na hindi maitago ang ngiti sa mukha.

'' her!! ''

Tumingin sa akin ang lalaki at iniabot ang mga bulaklak after ko pumirma sa receiving list na dala dala niya.

Napansin kong nakatingin sa akin ang ibang estudyante, araw araw ba naman kasi may natatanggap akong regalo, kung hindi bulaklak, mga paborito kong pagkain or malaking teddy bear at kung ano ano pa.

Tiningnan ko ang maliit na card na may nakasulat na..

for the most amazing and beautiful woman I've ever seen that always brighten up my day.

THE MAXINE SISTERS SERIES  ( DOMINIKA ) GxG Story / Tagalog - One Summer MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon