- DOMINIKA -
Lumapag na ang eroplanong aming sinasakyan sa pilipinas. Dito na yung napili kong puntahan dahil bukod sa maganda na ay napaka hospitable din nga raw ng mga tao dito. I visited here na rin naman, couple of times na pero hindi nga lang pang matagalan at kailangan rin bumalik sa amerika pero alam ko rin naman na maganda talaga dito sa pinas.
Ginising ko na si riley na napakahimbing pang natutulog sa braso ko.
'' hon hon wake up ''
'' hmmmm.... we're here? ''
'' yep nandito na tayo '' ngumiti ako agad sa kanya nang iminulat na nito ang kanyang mga mata.
Inilalayan ko si riley papalabas ng eroplano dahil aantok antok pa ito at mukha pang lasing sa ininom niyang gamot. Nahihilo daw kasi siya at takot sa matataas na lugar kaya it's a must na makatulog siya.
'' oopps dahan dahan '' sabi ko sa kanya ng muntikan na itong ma - out balance.
'' sorry hon antok pa talaga ako eh '' mahina itong tumawa at kumapit na sa braso ko.
'' welcome home honey '' sabi ko sa kanya, alam ko kasi na dito talaga siya ipinanganak and eventhough sa states na siya nagkaisip at lumaki ay hindi makakailang pilipinas pa rin ang birth country niya. Nasa arrival area na kami.
'' wow iba pala talaga sa feeling ang makabalik sa sarili mong bansa, sa sarili mong tahanan. It's nice to be back '' sumilay sa mga magaganda nitong labi ang isang napakatamis na ngiti habang pinagmamasdan niya ang kanyang paligid.
'' wait hon san nga pala tayo tutuloy? '' bigla namang tanong nito.
'' ahhh sa kariton tayo maninirahan honey , magiging homeless tayo dito '' biro ko sa kanya at bigla itong napabitaw sa pagkakahawak sa akin. Nawala rin ata ang antok niya.
'' ANO???? '' napalakas ang pagkakasabi niya at nagtinginan sa amin ang mga tao. Nagsorry naman siya kaagad.
ang cute niya lang kapag nagugulat.
'' syempre biro lang ikaw talaga '' hinila ko na siya papalapit sa akin.
'' ayusin mo dominika at iiwanan kita hindi ako sumama sayo dito para patirahin sa kariton ha '' tatawa tawa ito.
Niyakap ko siya ng mahigpit... '' don't worry it won't happen ''
'' mabuti na yung nagkakaintindihan tayo ''
'' yes mam! ''
'' wait are we waiting for someone?? ''
'' yes si christon kaibigan namin nila danie, siya daw ang susundo sa atin eh ''
'' ah okay ''
'' and speaking of him here he come '' kumaway na ako kay christon na nakita ko ng busy sa pag ikot ng kanyang paningin para hanapin kami and when he saw us malapad na ngiti ang pinasalubong niya sa amin as we met halfway sa airport.
'' dominika nice to see you again, ang tagal din nating hindi nagkita '' bati nito kaagad sabay yakap ng mahigpit.
'' good to see you too chris...kumusta ka na??? '' kumawala na kami sa pagkakayakap.
'' wow magaling ka pa rin managalog ha, so proud of you girl '' kumindat ito sa akin, napaka charming talaga nito kahit dati pa.
'' ofcourse hindi naman yun kaagad maaalis sa dila ko '' tumawa ako ng mahina.
'' by the way chris I want you to meet riley my girlfriend '' hinapit ko ang bewang ng hon ko. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni christon. Nailang tuloy makipag kamay si riley sa kanya.
'' g...girlfriend?? ''
'' yep why somethings wrong?? ''
'' ahm wala naman I just didn't thought..... ahm anyway ganun talaga si danie nga, ang napakaganda at napaka hot na babaeng yun ay nabaliko ng isang meghan alejandro '' pagkabanggit niya ng pangalan ni danie ay nalungkot itong bigla.
Alam rin kaya niya ang totoong rason ng pag alis ni danie??
Kahit naman kasi loko loko ito si chris ay mahal na mahal nito ang kambal...at parang bumalik naman sa ala ala niya na pinakilala ko sa kanya si riley kaya bigla niya itong niyakap pero kumawala rin naman agad.
'' nice to meet you riley ''
'' you too christon '' ngumiti lang rin sila sa isa't isa.
'' so tara??? ''
I and riley both nodded our heads. Kinuha ni christon ang mga luggages namin at isinakay na sa trunk ng sasakyan niya saka pumasok na rin kami sa loob.
Hinatid niya kami sa isang condominium sa makati, dito ako tumitira everytime na nagbabakasyon ako sa pilipinas. When we got settled nag paalam na din siya sa amin at susunduin niya pa raw ang girlfriend niya na si serena ata yung name na kaibigan daw ni meghan. Siguro in time makikita na rin namin dito si meghan ang kinababaliwan ng pinsan ko.
hope so!
'' honey matulog ka na muna, ako na ang mag aayos ng mga gamit natin '' saad ko kay riley na napapapikit na ang mga mata.
'' sure ka? pwede naman kitang tulungan tapos after na lang ako matutulog '' sagot niya pero nakaupo na ito sa kama at nagbabadya ng mahiga.
baliw rin talaga ... hmmmm kunwari pa.
'' yes I'm sure sige na '' busy na ako sa pag aayos ng mga gamit namin sa maleta..
'' okay sige '' mabilis pa sa alas kuwatro nitong sagot at pumikit na kaagad.
Napailing na lang ako sa ka kyutan ng girlfriend ko.
After ko ayusin ang lahat ay naupo muna ako sa sala at kinuha ang phone ko para tawagan sina danika, donthy at mom.. pati na rin ang kambal at ang mga magulang ni riley para sabihing nakarating na kami at maayos naman ang lahat.
And then after that tinabihan ko na ang natutulog pa ring anghel. Nakaramdam na din kasi ako ng pagod at antok kaya isiniksik ko na ang katawan ko sa kanya at agad naman ako nitong niyakap.
'' I love you and thank you for being here with me '' bulong ko sa kanya at tila ba narinig niya ito at siya'y ngumiti habang natutulog.
Niyakap ko at mas inilapit ko pa ang katawan niya sa katawan ko, ang sarap talaga sa feeling kapag malapit lang sa akin si ryle at wala na akong mahihiling pa, kasama ko na siya and I promised to myself that I'll do everything para mapasaya siya.
At bago pa ako kunin ng kadiliman ng paligid ay nanakawan ko pa ito ng isang halik sa pisngi.
Sleeptight hon!
BINABASA MO ANG
THE MAXINE SISTERS SERIES ( DOMINIKA ) GxG Story / Tagalog - One Summer Moment
RomansaSERIES #1 ONE SUMMER MOMENT ( COMPLETED ) Ang istoryang ito ay konektado rin kina Daniela at Denton Maxine. Hindi niyo sila kilala??? well too bad, joke lang pero it's better late than never nga diba. Karakter sila sa MY GIRLFRIEND IS ONE OF THE...