Chapter 12 - Wanted

5K 139 1
                                    

- RILEY -

Hindi ako nakatulog kagabi kaya ang sakit talaga ng ulo ko. After ko tumakbo papalayo sa kanya ay hindi na talaga ako mapakali. Si dominika nga si Nika.

Oo aaminin ko I prayed na sana talaga magkita ulit kami pero I never thought na  isang Dominika Maxine pala si nika na isang stranger back then.

The day that I stumbled onto her at sinabi ni ana ang about sa kanya ay nacurious talaga ako. I did a research on her, so nalaman ko na ang yaman yaman talaga nila.

Her family owned numerous well known companies around the world na malamang siya ang mamamahala after the graduation because she's the eldest among the three. That's why iba rin ito kumilos inside the school, she's always the leader type. Matalino, strikto, magaling magmanage ayyy basta siya na talaga, lahat na kasi nasa kanya eh.

Pero I'm not sure kung what happened to us was just a part of her play dahil naboboring siya dahil malamang hindi naman siya gay at base sa internet, marami ngang mga nakapilang mayayamang lalaki para mapasagot siya. Hay ano ba naman yan, hindi ko tuloy alam kung ano ng mukha ang ihaharap ko kay nika este dominika (pati pangalan niya hindi ko alam kung anong gagamitin ko) kapag nag krus ang landas namin.

Tahimik sana ang mundo ko, pero bigla itong nagulo ng dumating si ana na sumisigaw at nagmamadali. Nandito pa nga pala ako sa classroom namin, uwian na pero nagpa iwan ako para makapag isip muna. Bukas pa naman din kasi ang work ko sa pastry shop.

'' BES BES HINAHANAP KA NG MGA POLICE!!!! '' Ang oa na pakasabi niya pagka bungad pa lang sa pintuan.

Nagulat ako bakit ako hahanapin ng police? baka ipapakulong na ako ni dominika!!!

'' HUH??? WALA NAMAN AKONG GINAWANG MASAMA BES! '' takot kong saad, napatayo rin ako sa pagkakaupo ko.

Nainis ako ng lumapit si ana sa akin na tawang tawa. Malamang niloloko na naman ako nito.

'' Ha ha ha chill bes hindi ka pa makukulong '' hinawakan niya balikat ko while continue laughing at me. May pahawak hawak pa ito sa tiyan niya.

'' Alam mo kainis ka!!! '' asik ko dito.

'' Biro lang naman bes pero may naghahanap talaga sayo ''

'' sino nga, babatukan na kita ana ha '' nangingilid na ang luha ko sa kaba tapos ang bestfriend ko pa hindi pa rin matigil sa pagtawa.

'' ang mga model ng victoria's secret! '' at tumawa na naman ito. Itinulak ko nga.

'' isa ana ha, naiinis na talaga ako! ''

tumawa ito ng mas malakas pa. Bwisit talaga.

'' ANALITA MAGPANTAY!!!!!! '' sigaw ko at natahimik ito, ayaw niya kasi tinatawag gamit ang buong name niya at lalo na ng surname niya, hindi daw bagay sa itsura niya. Oh di ngayon nakaganti naman ako kahit papano.

'' wala namang ganyanan bes '' biglang nalungkot ang mukha nito, natatawa naman ako sa loob loob ko

'' ano nga, who's looking for me? ''

'' us! '' may biglang sumabat sa may pintuan. Napalingon kami ni ana. Ang sisterhood ni dominika.

'' why? ''

'' dominika is looking for you '' yun lang sinabi nung maikli ang buhok sa ma awtoridad na boses.

Naramdaman ko naman na humawak sa likuran ko si Ana. Lumingon ako and she mouthed me '' tell it to me later '' tumango lang ako.

ano bang kasalanan ko at ganito ang nangyayari sa akin?

Nawala na nga ang virginity ko sa kanya tapos ganito pa siya sa akin.

Eh siya nga nagpanggap na hindi niya ako kilala. Ang sakit kaya nun.

Nasaktan ka?

oo

bakit?

I....i don't know

'' hello riley, are you coming? '' tanong sa akin nitong babaeng may maikling buhok na parang naka ismid sa akin. taray ni te!

'' y....yes ''

help me god, kinakabahan po ako!

THE MAXINE SISTERS SERIES  ( DOMINIKA ) GxG Story / Tagalog - One Summer MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon