June 4, 2018...
First day of school na ni Megan.
Kinakabahan sya sa mangyayari lalo na't di pa nya kilala ang magiging bago nyang mga kaklase maliban kay Shiena at Jether/Jeth at magiging bago nyang mga guro at adviser.Megan's POV
Maaga akong gumising ngayong araw. Mga 4:00 A.M. kasi 6:50 ang klase ko.
First day of school na kaya excited na ako pero kinakabahan. Ang school na papasukan ko ay sa Harden University kaya medyo kinakabahan na ako kasi di pa ako sanay sa lugar na yun. 4:30, kumain na ako kasi naghanda ng pagkain sila mama. Pagkatapos kong kumain naligo na ako mga 5:20, at pagkatapos kong maligo ay nagtoothbrush na ako.Ang ganda ng uniform ko kulay puti na may halong pula. Hayst naalala ko tuloy yung dati kong uniform na kulay asul na may halong puti, miss ko na yun kaso di nya ako miss haha charot. Sinuot ko na ito at nagpatuyo na ako ng buhok. Nagsuklay na din ako, nagpulbo at pabango. Ma 6:05 A.M na din kaya kinuha ko na ang phone ko at bag.
First day of school kaya di ako pwedeng malate nakakahiya naman kung sa unang araw ay late agad ako. Hinatid na ako ng papa ko papunta sa Harden University pero di nya ako hinatid sa room ko kaya ayun doble ang kaba ko. Dahil HS Student pa lang ako sa likod pa ang school namin or High School Building of Harden University, hindi sya sa main building ng buong Harden University. Nagpasok na ako sa gate ng HS Building ng Harden University at wala akong maaninag na kakilala. Wala pa kasi si Shiena at Jeth, wala pa din yung iba kong dating kaklase na sa ibang section ang papasukan hayst.
Tiningnan ko ang listahan ng pangalan at kung saan ang room at agad ko itong nakita kaya pinuntahan ko na itong room 2A sa second floor. May mga nauna na sakin sa room na ito at mukhang sila ang mga bago kong kaklase.
Grabe wala talaga akong kakilala. Kinuha ko ang phone ko nagchat ako kay Shiena at Jether kasi antagal nila, nakakahiya naman ditoooo ehh.
Umupo ako sa bandang likod kasi may nakita akong mga bakanteng upuan dun, nakinig na lang ako ng tugtog sa earphones ko kasi amboring pa at masyado pang maaga.
Mga ilang minuto din ang lumipas, sawakas andito na si Shiena.
Shiena's POV
Umakyat na ako sa 2nd Floor kung saan naroon si Megan na naghihintay sakin. Kinakabahan na rin ako. Nakakapanibago dito. Oh my goshhh.
Nagpasok na ako sa room at nakita ko na si Megan. Agad akong tumabi sa kanya.
"Kanina ka pa ba nandito?" Tanong ko kay Megan.
"Oo mga 6:20" Sagot nya.
"Ahh okay huhu grabe antatahimik nila, nahihiya din yata sila satin" Sabi ko.
"Oo nga hayst. Ma 6:50 na patiiii 3 mins na langgg mastart na. Kinakabahan na akoooo pwede bang wag na mag INTRODUCE YOURSELF???" Sabi nya.
Yun lang naman kasi talaga ang nakakahiya para sa lahat sa unang araw ng klase.
"Sana nga wag na mag-ganun!"Sagot ko.
"Asan na ba si Jeth?!" Tanong nya.
Sakto biglang dumating na si Jeth, papaupuin sana sya ni Megan sa tabi nya sa left side kaso may isang babae na biglang umupo sa tabi nya, kaya ayun si Jeth ay napalayo samin haha. Pabida din si ate gurl eh charot HAHA.
"Psssssst" Mahinang tawag ni Megan kay Jeth kaya agad syang napalingon.
"Bakit antagal mo?" Bulong nito."Nalate ako ng gising" Sagot ni Jeth.
"Yuck first day of school late" Tugon ko.
"Hahahahaha Sorry man" sabi ni Jeth
Nagdating na ang una naming guro. Lalaki sya na matangkad na medyo payat at may itsura.
Megan's POV
"GOOD MORNING OXYGEN!"
Sabi ng guro namin, kasi OXYGEN ang name ng section namin."Good Morning Sir" Mahinang sabi ng lahat.
"Ako nga pala si Sir Jefferson Morales or Sir Jef ang MAPEH teacher nyo"
"Ngayong baguhan palang kayo hmm...Ohhh my gosh waggg poooooo, wag sana pleaseeeeee.
Write your names on a 1/4 sheet of paper. Then ipasa nyo sa unahan pagkatapos nyong isulat"
Sabi nya.Ano naman kaya ang gagawin dito bat pa kaya kami pinapasulat?
Pero sinulat ko na ang pangalan ko at ganun din si Shiena at pinasa na namin sa unahan."Ang gagawin dito ay bubunot ako ng papel at kung sino ang mabunot ko sya ay magpapakilala dito sa unahan at maggagawa ng pose na maalala kayo ng lahat" Medyo natatawang sagot ni Sir.
"Halimbawa ganto (っ>▽<)っ" dagdag nya.
Gumawa si sir ng nakakatawang pose at tawang tawa ang lahat, medyo joker kasi si Sir. Unang subject pa lang masaya na agad ang lahat. Pero kitang kita mo na kahit tumatawa ang lahat ay nagiisip na ng pose at kinakabahan, pero kaya yan!
"Ang una ay si Jomari Juguilon"
Siya ang unang nabunot ni Sir Jef.
Agad syang tumayo at pumunta sa unahan."Good Morning Everyone my name is Jomari Juguilon"
Gumawa sya ng pose na peace sign HAHAHHAHA MEDYO NAKAKATAWA SYA. Nagbigay ng komento si Sir na may halong joke kaya lalong natawa ang lahat maging si Jomaei.
Mga 6 na ang nakapagpakilala at sumunod na si Jether.
"Umm Good Morning. My name is Jether Fajardo"
Nagpose sya at HAHAHA PARA SYANG NAHIHIYA NA PABEBE SA UNAHAN.
Pagkatapos nya ay si Shiena na ang sumunod."Good Morning my name is Shiena Laurin"
Tas nagpose sya ng medyo pacute hahaha.
Pagkatapos ni Shiena ay madami pang nagpakilala maliban sa akin at dun sa ibang di ko kilala haha kasi naubusan na ng oras dahil sa tawanan at pagpapakilala nila.
"Yung ibang di pa nakakapagpakilala bukas na lang" Sabi ni Sir.
"Ok po" Tugon ng lahat.
"GOODBYE!" Sabi ni Sir.
"Goodbye Sir Jef" Sagot ng lahat.
At lumabas na si Sir ng room. Kaya muling nanahimik ang lahat.
7:40 na so 2nd subject na yata namin kasi umalis na si Sir Jef na 1st subject namin pero sino kaya ang teacher na susunod sa kanya???
BINABASA MO ANG
Unexpected Life Of A High School Student
RastgeleDon't expect too much, I'm just a beginner & I'm not a professional writer haha. This is a story about a new high school student. (Tagalog-English story/ TagLish HAHA)