Chapter 6

65 4 0
                                    

Avoidance And Maldita Mode

Zyla's POV

Dalawang linggo ko nang iniiwasan si Kim.

Though inuutusan pa rin niya ako at sinusunod ko pa rin siya.

Di na nga ako nakikipag-away at nakikipag-asaran sa kanya.

Ginagawa ko na lang ang gusto niya at kapag tapos na ay umaalis na ako.

Naalala ko tuloy yung nangyari pagkatapos ko siyang takbuhan sa school.

FLASHBACK

Valderama's Residence

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, ginagamot ang sarili ko from the damage I receive from the bitches.

Hay nakakapagod ding ma bully noh.

"Sana namatay na lang talaga ako nung tumalon ako sa bangin. Kung di lang sana niya ako niligtas Hay" buntong hininga ko.

"Sana natuluyan na agad ako nung tumalon ako."
tapos nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang pinto ng pagkalakas-lakas at may nag salita.

"Hindi ko naman hahayaan yun"

"W-what are you doing in my room. Trespassing ka"

" This is my house. I can go to any room that I want" sabi niya

"Tsaka wag mong sabihing may plano ka namang magpakamatay?"

"Eh ano naman yun sayo, tsaka pagod na akong mabuhay noh. Gusto ko nang sundan sina mommy"
pagmamatigas ko.

"Alam kong marami ka pang gustong gawin. Kaya don't say it na para bang madali lang yun. Nabuhay ka uli para magkaroon ng second chance ang buhay mo. Alam kong may plano pa ang diyos sayo, Siguro magkakaroon ka pa ng happy ending" sabi niya. Wow ang haba ng speech niya, but I also felt a little guilty.

Tama siya siguro may plano pa ang diyos sa akin at yun ang hanapin ang taong napapanaginipan ko this past 5 years pati na ang totoo kong magulang. Yes, ampon lang ako ng Fortalejo couple at nalaman ko yun sa letter na ibinilin nila kay Tita Hace na kapatid ni daddy.

"Iwasan mo na ako, all you want basta susundin mo pa rin ang mga utos ko at patuloy kang mabubuhay dahil alam kong may bumabagabag sa isip mo" hindi pa pala siya tapos.

"Now akin na yan"

"Ang ano?" may tinuro naman siya gamit ang nguso niya.

Ahhhhh, medical kit pala.

"Aanuhin mo?"

"Basta " sabi niya sabay lapit sa akin at kinuha ang medical kit.

Kumuha naman siya ng bulak (cotton balls) at nilagyan ng alcohol.

"Akin na yang shoulder mo" lumayo naman ako pero hinigit niya ang braso ko.

"Ouch, hinay hinay lang" reklamo ko.

"Sila bang may gawa ng kalmot na to" umiling na man ako.

"Sino?" hindi ako sumagot.

"Zyla, sino sabi?" galit niyang tanong.

"Oo na, sasagot na. Yung isa sa lalaking muntik nang gumahasa sa aki- Ouch" daing ko ,akalain mo diinan ba naman ang sugat ko.

"Ano ba"sigaw ko

Maid Ako Ng Masungit Kong Savior (ON-GOING) (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon