Aliana PoV
"Happy Birthday Ayanie!!!!" sabay sabay naming sigaw at pumalakpak.
"Huhu. Salamat sa inyo. Salamat" pag dadrama nita. Ngumiti ako at inabot ang isang Regalo sa kanya.
Nag iba ang naisip kong Iregalo sa kanya. Siguro naman maguguatuhan nniya yun ano?
"Wow! Ikaw ate Pauleen?! Regalo ko?" nakangusong sabi ni Aya kaya humalakhak si Pau at inakbayan si Aya.
"Maligayang Kaarawan Ayanie Paire Mendoza" sabi ni Pau at inabot ang isang kahon sa kanya.
"Awieeee!!! Lab ko kayo!" aniya at niyakap kaming tatlo. Napatawa naman si Ninang at ginulo ang buhok ni Aya.
"Kumain na tayo't mamaya mo na buksan yan" sabi ni Ninang na singayunan naman namin.
"PUPUNTA tayo sa Korea Ate?!" gulat na sabi ni Aya habang nanlalaki ang mata, tumamgo ako.
"We're staying there for good at si Pauleen, siya muna ang bahala sa Mafia at Company" sabi ko. Nag thumbs up naman si Pauleen.
"At ayoko rin sa Korea. Allergic na ko dun" sabi niya at napayakap sa sarili niya.
"Ano namang nangyari sayo dun?" taas kilay na tanong ni Aya. Aba! Tumataray na tong babaitang toh ah.
"Hay! Mahabang kwento!"
"Edi paiksiin mo!"
"Aba! Sumasagot ka na ah!"
"Malamang may dila ako!"
"Mas matanda ako sayo kaya wag mo kong sisigawan!"
"Eh ano naman? Isip bata ka!"
"Ano?! How dare you!"
"Nye nye nye!"
"Paige oh!"
"Ate oh!"
Napailing nalang ako sa bangayan nila at sabay silang binatukan.
"Aray!" sabay na daing nila. Kinuha ko naman ang Dalawang Box na hindi pa binubuksan ni Aya.
"Open it" nakangiting sabi ko kaya tumango siya. Una niyang binuksan yung kay Pauleen.
"Whoaaaa!! Astig!" sabi niya nang makita ang isang Kutsilyong kulay Itim. Yung sa hawakan niya ay may lining na Gold.
Sunod naman niyang binuksan ang regalo ko sa kanya. Geez! Kinakabahan ako baka hindi niya magustuhan!
"Oh my ghad!" tili niya at itinaas ang isang Kwintas. Kulay Gold ito tapos yung Design niya ay Baril. "Ang ganda niya!" aniya ay sinuot sa sarili niya.
Napahinga naman ako nang maluwag. Kala ko hindi niya magugustuhan eh. Aba! Dapat lang na magustuhan niya yan. Ako ang bumili eh.
"Salamat sa inyong dalawa" sabi niya ay niyakap kami. Pumasok naman si Ninang sa Kwarto.
"Kailan ba ang Flight nyo?" tanong ni Ninang. Oo sinabi namin sa kanya na pupunta kami sa Korea bago pa namin sabihin kay Aya.
Pero seryoso. Nakwento kasi sakin ni Pauleen na mas tagal daw kami sa Korea nung bata ako at duon marami akong memories at sana nga lang ay makaalala na ako.
Ang hirap. Yung pakiramdam mong may kulang sa pag katao mo? Ang drama ko. Haha.
"Bukas na po Ninang." sabi ko at bumuntong hininga.
Si Chase kaya? Hinahanap niya kayaa ako? Ok lang kaya siya? Kumakain ba siya nang maayos? Baka naman nag lalasing siya. Sana nasa maayos ang kalagayan niya.
"Ate! Tulala ka jan!" napatingin ako kay Aya at maliit na ngumiti.
"Wala. May naalala lang" sabi ko at tumayo. "Mag handa ka na Panget kong kapatid! Makikita mo na ang Taehyung mo" agad namang nag ningning ang mata niya sa sinabi ko.
"Ang asawa kooo!!!~~~" excited na sabi niya at lumabas nang kwarto.
Hindi ko maintindihan kung bakit baliw na baliw sila kay Taehyung at mag aaway pa kung sino ang totoong asawa nun. Ghad!
Pero aaminin ko. Napopogian ako kay Taehyung. Pero hindi yung Crush or parang kay Aya na nababaliw pag marinig lang ang pangalan niya.
Wala eh. Meron nang nakakuha nang pag mamahal ko.. Walang iba kundi ang Lalaking yun.
Si Chase.
Cassandra PoV
"KUYA! Walang magagawa ang pag lalasing mo! So please! Stop it!" galit na sigaw ko nang maabutan ko nanaman siyang umiinom.
Araw araw nalang!
Simula nang mawala si Ate Aliana nag lalasing siya! At hanggang ngayon ay hindi ko parin nahahanap si Ate Aliana.
"Leave me Alone" walang buhay na sabi ni kuya at muling tumungga gamit ang baso.
Ayan! Isa pa yan. Kala mo isa siyang Robot!
"Please kuya. Tigilan mo na yan! Sa tingin mo ba matutuwa si Ate Aliana kapag nakita kang ganyan?! Look at you! Hindi na ikaw ang kuya ko!" sigaw ko pero parang wala siyang narinig. Napaluha nalang at napahilamos nang muka.
Hindi siya nag gugupit nang buhok. Hindi rin siya nag aahit nang Balbals. Nilulunod niya ang sarili niya sa Trabaho at Alak.
Lintek! I really need to see her!
"Kuya. Cassandra Co is Dead! Pwede mo siyang hanapin!" sabi ko kaya napatingin siya sakin.
"What for? Paniguradong itataboy niya lang ako. Haha. I'm fucking Idiot. I hurt her." sabi niya at muling tumungga nang alak.
Oo. I killed Cassandra. Wala akong iniwang kahit isang Ebidensya. Alam kong hinahanap na ngayon nang mga magulang nung malanding yun kung sino ang pumatay sa kanya. As if naman na malalaman nila? Tss. Malinis ako mag trabaho.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa Cellphone ko nang mag Ring ito.
"Who's this?"
[Madam] napalayo naman ako kay Kuya.
"What? May balita ka na ba? Sabi ko at tumingin kay Kuya na nakatingin lang sa kawalan.
[Opo. Nahanap na po namin siya.] agad akong napangiti sa narinig kong balita.
"Really?! Where is she?!" halos pasigaw kong sabi.
[Pero...]
"What?!"
[Nakaalis na po sila. Nakita lang po namin si Miss Aliana nang papasakay siya sa Eroplano patungong Korea.] nanlumo naman ako sa narinig ko.
[Susundan po ba namin siya?]"No need. Hayaan nyo nalang siya" mahinang sabi ko. Lumapit ako kay Kuya nakatulog dahil sa kalasingan at binuhat siya pahiga sa Sofa kahit ang bigat bigat niya.
Lagi nalang ganito. Aalagaan ko nanaman itong mokong na toh.
Baliw na Baliw kay Ate Aliana.Napailing nalang ako at nilinis ang mga Bote niya dito.
"Hmm.. Aliana" napatingin ako kay Kuya. Nakakunot ang noo niya habang nakapikit. "I'm sorry... I'm really sorry" aniya at napansin ko ang butil nang luhang tumulo sa Mata niya.
Umupo nalang ako sa tabi niya at sinuklay ang buhok niya.
"Kuya. Everything will be Alright"
---
Vote & Comment
BINABASA MO ANG
His Obsession. ✔
ActionChase Zion Hunt. Isang lalaking malakas ang dating. Malamig ang pakikitungo sa mga tao at isa sa kinakatakutan nang nakakaalam nang tunay na pag katao niya. Isa siyang MAFIA BOSS. Pero mula nang makita niya ang isang Babae na tila Anghel sa pa...