Obsession 1

58.3K 1K 82
                                    

Aliana PoV

     Pumikit ako at hinilot ang sintido ko.. Daig ko pa ang CEO dito dahil sa tambak na trabaho ko. Sa ngayon ay mag iingat muna ako dahil muntikan na akong mawalan ng trabaho.

*ringggg*

Sinagot ko ang tawag sa Cellphone ko habang nakatingin parin sa Computer.

"Hello?"

[Anak!] napahinto ako sa pag tipa at sumandal sa Swivel Chair.

"Nay! Kamusta na po kayo?" tanong ko at uminom ng tubig.

[Ok na ako anak! Malakas na ang nanay mo oh!] sabi niya kaya napatawa ako.

"Mag ingat ka parin Nay.. Kailangan mo pang mag pagaling ng tuluyan.. Uminom ka na po ba ng gamot mo?"

[Anak naman... Oo uminom narin ako.. At tska huwag ka ng pumunta dito pag kauwi mo sa trabaho mo ng makapag pahinga ka naman] napangiti ako sa sinabi ni Nanay.

"Ayos lang ako Nay... Pupuntahan ka namin ni Aya jan"

[Naiinis ako sa sarili ko Anak.. Hindi man lang kita matulungan at naging pabigat pa ako] bumuntong hininga ako at pumikit para pigilan ang pag iyak ko.

"Nay.. Walang kaso sakin yun at tska hindi naman po kayo pabigat sakin.. Pag makita ko nga lang kayo ni Aya ay gumagaan na ang pakiramdam ko kaya wag nyo pong sisihin ang sarili niyo" litanya ko.

[Maraming salamat Anak.] narinig ko ang pag hikbi ni nanay sa kabilang linya kaya di ko maiwasang malungkot.

"Wag na kayong umiyak nay.. Papanget kayo sige ka" pag bibiro ko pero kahit ako ay nasasaktan narin

[Sige na anak... Mukang Marami ka pang gagawin]

"Haha. Hindi naman po.. Pahinga na po kayo I love you Nay"

[I love you too Anak]

Binaba ko na ang tawag at mabigat na bumuntong hininga.. May Heart Disease si Nanay.. May butas ang puso niya kaya nag susumikap akong mag trabaho para makabayad sa Hospital.

Mag titipa na sana ako ng tumunog ang Bell hudyat na Break time nanamin.. Inayos ko muna ang kalat sa Lamesa ko bago pumunta sa Canteen.

"Isang Carbonara at Juice po Manang" sabi ko ibinigay niya naman ang order ko kaya nag bayad na ako.

Mag isa akong kumakain habang nakatingin sa labas ng bintana ng may umupo sa harapan ko.

"Paige!" napatingin agad ako aa kanya at napangiti ako ng makita ko si Jake.

"Jake! Bakit hindi ka nakisabay sa mga kaibigan mo?" tanong ko , tumawa siya.

"Bakit hindi ba kita kaibigan?" napabusangot ako at inirapan siya.

"Di kita Friend kasi Besfriend kita!" nakangusong sabi ko.. Natawa naman siya lalo at pinat ang ulo ko kaya tinapik ko agad yun. "Ang harot mo" irap ko sa kanya.

"Ayt ang Sama" sabi niya, nginiwian ko lang siya at nag patuloy sa pag kain.

Tumingin ako sa Orasan at Uminom ng Juice.

"Hayst ang Ikli talaga ng Break time namin.. Una na ko Jake" paalam ko..

"Sige. Galingan mo ah! Ikamusta mo narin ako kay Nanay Linda" ngumiti ako sa kanya at tumango.

MABILIS akong nakarating sa Cubicle ko at muling nag tipa sa Keyboard.. Mukang mag o-over time nanaman ako.

"Ali? Tawag ka ni Boss" sabi ni Pauleen kaya napahinto ako.. Bigla naman akong kinabahan. Mali nanaman ba ang naibigay ko?

"B-bakit daw?" tanong ko.

"Ewan ko eh" kibit balikat niyang sabi kaya napahilot ako ng Noo.. Tumayo muna ako bago pumunta sa Office ni Boss.

Kumatok muna ako bago pumasok.

"B-boss.. Pinapatawag mo daw po ako?" sabi ko at pilit itinatago ang Kaba ko.
Inangat niya ang tingin niya sakin at umayos ng upo.

"Yeah. I want you to be my Secretary" Sabi niya.. Secretary?.. Ahh.. Magiging Secre---What?!

"P-po?" gulat na sabi ko bagot niya akong tinignan.

"I hate repeating Myself" aniya kaya napalunok ako.

"K-kailan po ako mag uumpisa bilang Sek--"

"Right Now" deretsong sabi niya kaya napanganga ako. "That's Your Table" turo niya sa lamesang medyo malayo sa table niya.

"T-thank you Sir." sabi ko at bahagyang Yumuko.

"Fix your thing and Make your new Work" malamig na sabi niya at ibinaling ulit ang tingin sa papeles..

Lumabas ako at tulalang nakarating sa Cubicle ko..  Kung naging sekretarya na ako ni Boss ibig sabihin mas mataas na ang sahod ko? Medyo makakaipon nadin ako para sa mga pangangailangan namin at ni Mama.

Inayos ko ang Gamit ko kaya napatingin sakin ang iba kong Kasamahan.

"Aalis ka na?" malungkot na sabi ni Pauleen kaya ngumiti ako at umiling.

"Ako na daw ang Bagong sekretarya" sabi ko kaya nanlaki ang mata niya.

"Waaah! Congrats!" tili niya at niyakap ako.. Napatawa ako ng mahina.
"Pero bakit kaya niya tinaggal ang dati niyang sekretarya? Masipag naman yun kaso may pag ka Ehem. Alam mo na. Landi" sabi niya.

"Haha. Baliw ka talaga" iiling iling na sabi ko.

"Good Luck sayo Ali!" sabi niya at nag thumbs up. Tumango nalang ako dumeretso na ng Office ni Sir.

Nang makapasok ako ay ramdam ko na agad ang titig niya pero kahit naiilang ay ipinagsawalang bahala ko nalang.
Inayos ko na ang mga gamit ko at itinapon na ang mga hindi ko na kailangang gamit.

Umupo na ako at sinimulan na ang Trabaho ko ngunit ramdam ko parin ang tingin ng Boss ko kaya tumingin ako sa kanya. Agad rin naman akong umiwas dahil nakatitig nga siya sakin.

Nakaharap ang Swivel Chair niya habang naka Dikwatro at naka krus ang dalawang Braso.

Nakakailang siyang tumingin-- tumitig pala.. Wala naman akong dumi sa muka.. Malinis naman ang pananamit ko.. Anong problema niya? Bakit ganyan siya makatitig? Nakakatakot kaya!

Sumandal ako sa kinauupuan ko at finocus ang Atensyon ko sa Trabaho.

Hooo! Hayaan mo lang si Boss baka may gusto lang yan iutos at iniisip pa.

*rinngggg*

Napatingin ako sa Cellphone ko at napangiti ng malamang si Jake yun.
Medyo lumayo ako at Sinagot ang tawag.

"Jake! Miss mo na agad ako?" natatawang bungad ko.

[Kapal! Sasabihin ko lang sayo na naiwan mo ang panyo mo.]

"Haha! Sorry naman! Lab naman kit---"

"Stop flirting Ms. Mendoza , Do your Job" seryosong sabi ni Boss kaya nahihiya akong tumango.

"Ibaba ko na Jake... Nagagalit si Boss. Bye" sabi ko at pinatay na agad ang tawag.

"Next time if you have a caller tell me who is it .. I get you as my Secretary and to Do your job not to Flirting"  malamig at seryosong sabi ni Boss kaya napayuko ako.

"Yes Sir." sagot ko at ipinagpatuloy ang trabaho ko.

Ang hirap palang maging Secretary..

Lalo na kung masungit ang Boss. Tch.


---

Vote & Comment


His Obsession. ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon