Obsession 26

23.6K 385 8
                                    

Aliana PoV

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa na nakayuko. Para silang batang pinapagalitan nang nanay nila. Matatawa na sana ako kung hindi lang nila nasira ang Vase ko eh.

"Anong gagawin nyo ngayon sa Vase ko?" mataray kong sabi sa kanila.

"A-ate.. P-pag didikitin lang namin. Diba?" sabi ni Aya at siniko si Chase. Sinamaan naman nang tingin ni Chase si Aya bago bumaling sakin.

"Right" sagot niya. Napakamot ako nang ilong sa sobrang pag kayamot.

"Punta tayo nang Mall" kahit labag sa loob kong pabayaan ang Vase ay wala rin akong magagawa. Nabasag na eh!

Nauna na akong lumabas sa kanila at kinuha ang susi nang Black Ferarri ko.

"I'll drive" sulpot ni Chase. Inirapan ko muna siya bago ibigay ang Susi.

Pumasok na kami at pinaandar naman ni Chase ang Kotse.

NANG makarating kami sa Mall ay nag hanap ako nang pwedeng maisuot na damit.. Pumasok kami sa isang Botique at hindi ko maiwasang mapasinghal nang makita ko ang malalanding mga Cashier.
Pinili ko ang tatlong Bestida na hanggang paa pero iba iba ang Design.

"Miss. Mag kano po lahat nang makaalis na kami nang BOYFRIEND KO" madii. Kong sabi. Mukang nagulat naman ang Cashier kaya dali daling binalot ang binili ko. Nag bayad narin ako at naunang lumabas.

"Kain muna tayo ate" sabi ni Aya.

"Saan ba tayo kakain?" nagugutom nadin ako eh.

"Sa Jollibee! Namimiss ko nang kumain dun" ani ni Aya at malaking ngumiti. Tumango ako at napatingin sa isang babaeng tumatakbo.

Halatang Estudyante dahil naka Uniform siya. Tumingin siya sa likod habang patuloy lang sa pag takbo na animo'y may tinatakasan hanggang sa mapadako ang tingin ko kay Chase.

Nabunggo ang babae kay Chase dahilan para mapaupo ito. Hinilot niya naman ang ilong niya at tumingala.

"Gwapo" rinig naming sabi nito. Tumingin ako kay Chase na walang Emosyong nakatingin sa babae.

"Hey miss. Quit staring at my Boyfriend" kunot noong sabi ko. Muka kasing may gusto rin to kay Chase.

Tumingin naman siya sakin at ngumuso.

"Ay taken na" sabi niya at tumayo. Pinag pagan niya ang sarili niya. "Hehe. Sorry po ah! Kasi ung mga Clown-- este mga kaklase ko hinahabol ako eh" aniya at nag kamot nang ulo. Ang cute naman niya.

"Ayun siya!" napatingin sa likod ang babae at nakita kong nataranta siya. Ang daming humahabol sa kanya. Ano bang kasalanan nito?

"Waah! Tulong! Ate tulungan mo ko! Ateeee!!" sigaw niya habang niyuyugyog ako. Hundi ko maiwasang natawa. Ang kulet.

"Halika" sabi ko at hinawakan siya. Lumapit samin ang mga babaeng humahabol sa kanya.

"Kakausapin namin siya" sabi nang isang babae habang nakataas ang kilay.

"Kakausapin ka lang naman pala eh" sabi ko sa Babaeng todo kapit sakin.

"Hindi. Aawayin nila ako." Aniya at niyakap ang likod ko.

"Hoy bitiwan mo nga ang Ate ko!" sigaw ni Aya sa kanya.. Bumitaw naman siya sakin pero kay Aya naman kumapit "B-bitaw nga!" sabi ni Aua kaya bumitaw ulit ang babae at yumakap sa likod ni Chase.

"Kuya. Ikaw nalang ang makakatulong sakin. May mga pusa pa akong papakainin. Marami pa akong pangarap na tutuparin. Wag mo ko ibigay sa mga Clown huhu" naiiyak na sabi nito. Imbis na mainis dahil niyakap niya si Chase ay napailing nalang ako.

"Hindi kami Clown!" sabay sabay nilang sabi. Nilabas lang nang Babae ang Dila niya.

"Umalis na kayo" sabi ko pero nag reklamo sila. "Aalis kayo o isusumbong ko kayo sa mga magulang niyo? Madami akong Connection"

"Tara na nga! Che!" ani nung Leader ata at lumayo na. Tumingin naman ako sa babaeng humiwalay na nang yakap kay Chase.

"Ho! Kala ko katapusan ko na *pout*"

"Ano bang kasalanan mo sa kanila?" tanong ni Aya. Napakamot naman siya nang ulo.

"Sinuntok ko yung Heartthrob samin. Masyado kasing Epal."

"Anong pangalan mo?" ako naman ang tanong. Ngumiti siya nang malaki at umayos nang tayo.

"Ako si Venus Alcantara! Nice to meet you po!" sabi niya at yumuko.

"Mag isa ka lang ba?" tanong ko.

"Obvious ba?" inosenteng sabi niya kaya natawa ako.

"Sumama ka nalang muna samin. Paniguradong gutom ka na" kuminang ang mata niya sa sinabi ko at sunod sunod na tumango.

NAPAGPASYAHAN naming kumain sa Jollibee at nakakapit parin sakin si Venus.

"Ako na ang Mag-oorder" sabi ko.

"No. Ako na" sabi naman ni Chase. Napatingin sakanya si Venus.

"Whoaa! Kala ko pipi siya." sabi niya at bumitaw sa pag kakahawak sakin..
"Aray!" napatingin ako sa gawi niya at nakita kong nadapa siya.

"Ayos ka lang?" tanong ni Aya.

"Ikaw kaya ang madapa. Sa tingin mo magiging ayos ka?" nakanguso nitong sabi at tumayo. "Tutulungan ko nalang si Kuyang Robot." sabi niya at sumunod kay Chase. Napailing ako at nag hanap na kami nang upuan.

"Ang weird niya" sabi ni Aya nabg makaupo kami. Sumang ayon naman ako.

Ilang minuto ang lumipas ay nakita namin si Chase na may buhat na dalawang Tray. Sa likod naman niya ay si Venus na isang Tray lang ang hawak.

"Hello!" aniya at nagulat ako nang bigla siyang nadulas at napaupo. Bumuhos sa kanya ang CokeFloat at iba pang pag kain.

"Tsk. Clumsy" asik ni Chase at inilapag ang Tray.

"Sorry po" aniya at kinuha ang Fries sa ulo niya kinain niya yun at tumayo. Pero sa kamalasmalasang buhay niya ay nadulas ulit siya. "Ano bayan?! Wala na bang matinong mangyari sa buhay ko?!" sabi niya at dahan dahan tumayo.

Successful naman siya sa pag tayo at umupo sa tabi ko. Nakanguso siya kinuha ang Fried chicken at agad na kinagatan yun.

Napailing nalang kami at kumain narin.

MATAPOS naming kumain ay humarap samin si Venus.

"Salamat po sa pagkain!" nakangiting sabi niya.

"Bilhan ka narin kaya namin nang damit.." sabi ni Aya sa tabi ko. Umiling lang si Venus.

"Ayos lang. Salamat po ulit" muli siyang tumakbo kaya ang nagawa nalang namin ay sundan siya nang tingin.

Hay. I wish na nakita ko pa ulit siya. Ang Cute niya eh.

"Tara na! Hapon na oh! Ba-byahe pa tayo sa Resort" sumangayon naman ako at bahagyang napatili nang may humapit sa bewang ko.

"I'm tired" mahinang sabi niya. Inirapan ko lang siya at hindi pinansin. Pagod din kaya ako kakalakad!







---

Vote & Comment

His Obsession. ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon