EPILOGUE

36.5K 619 61
                                    

Third Person PoV

"GIAAAAAAAAAN! sinira mo nanaman ang laruan ko! Wala ka ng ibang ginawa kung sirain ang mga bagay na pag aari ko! Wala ka bang konsensya?! How dare you! Hindi Porque anak ka ng isa-- Dalwang Mafia Boss ay palalagpasin ko na ang ginawa mo! Nakakai--" naputol ang pag sasalita ni Venus ng mag salita si Gian. Ang anak nila Aliana.

"Oh please shut up" iritang sabi ng bata habang deretso ang tingin.

"Tch! Asan ba si Kuya Chase?" iritang sabi ni Venus at tumingin kay Pauleen na natutulog habang nakanganga. Nag katinginan sila ni Gian na parang may ibinabalak na masama.

NAPAMULAT mula sa mahimbing na pag kakatulog ng may malasahan siyang mapait na bagay. Dumilat siya at agad na sumuka ng malaman niya kung ano iyon.

Ampalaya. Ang pinakaayaw niyang gulay.

"Venuusss!! Giaaaaan!!!" gigil niyang sigaw at matalim na tumingin sa dalawang taong nag tatawanan.

"Monsterrr!!! Halika na Gian!" sigaw ni Venus at mabilis na tumakbo.

Napailing nalang siya sa dalawa. Kung kalokohsn ang pag uusapan, partners in crime ang dalawang yan.

Akmang tatalikod si Gian ng may tumawag sa kanya.

"Ian." tawag ng baritonong boses. Napatakip naman siya ng bibig para pigilan ang pag tawa ng makita niya ang paninigas ni Gian.

Takot talaga siya sa Tatay niya.

"D-dad." ani ni Gian at humarap kay Chase na seryoso lang ang muka.

"Where's Venus?" tanong niya. Akmang sasagot si Gian ng may marinig silang tili. Kasabay ng pag pasok ni Venus habang tumatakbo.

"Mamaaaaaaaa!!!!!" sigaw niya habang hinahabol ni Pochi. Ang alagang aso niya.

"Hey! Pochi! Come here." tawag niya sa aso. Huminto naman si Pochi kakahabol sa kanya at tska siya pinuntahan.

"Dad. Where's mom?" napatigil sila ng mag salita si Gian.

"Nasa malayong lugar." nakangiting sabi ni Venus.

"I miss her na po kasi." nakasimangot na sabi ni Gian. Napatingin sila kay Venus nang humagakpak ito ng tawa.

"Perstaym kitang marinig na mag po. May himala atang dumating." tawang tawang sabi nito.

"Venus." tawag sa kanya ni Chase. Tumahimik naman siya. Muling bumaling si Chase sa anak at umupo para mag kapantay sila.

"I miss her too." malungkot na ngumiti si Chase.

"Ang sweet naman ng mag ama ko." napatingin sila sa pinto ng makita doon si Aliana. Nakasuot ng Formal Attire at may dalang maleta.

"Mommmmyyyyyy!" sigaw ni Gian at tumakbo papalapit kay Aliana.

"Hi Baby." ani ni Aliana at niyakap ang anak niya. "How are you?"

"I'm ok mom! I--"

"Sinira niya ang laruan ko!" singit ni Venus. Tinaasan naman ni Aliana si Gian ng Kilay.

"I'm sorry." nakangusomg sabi nito. Napailing nalang siya sa Anak at tumingin kay Chase na nakatingin sa kanya.

"Baby damulag. Hindi mo ba ako namiss?" matamis na ngiting sabi ni niya.

Mabilis naman nag lakad papalapit sa kanya si Chase at sinunggaban ng Yakap. Ilang taon na pero ganon parin ang epekto ni Chase sa kanya. Natawa siya at niyakap din siya.

"Damn baby! I miss you so much." sabi nito na mas ikinatawa niya.

"I miss you too." si Chase ang humiwalay sa yakap at agad siyang hinalikan sa labi.

"I love you." she chuckled.

"I love you too."








WAKAS

His Obsession. ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon