Phase 47
Nang makalabas ng ospital ay dinala niya kami sa parking area kung saan ang kanyang sasakyan, tahimik akong nakasunod sa kanila at kahit wala sa tamang sitwasyon ay aliw akong napapanuod silang dalawa. May ilang tinatanong si Troi sa kanya na sinasagot niya naman ng banayad.
Binuksan niya ang pinto ng passenger seat para kay Troi pero hindi niya nilapag roon si Troi at kusa siyang humarap sa akin kaya inalis ko ang ngiti sa labi ko. His eyes told so many painful emotions as our vision met, muling namuo ang luha sa kanyang mga mata habang tinititigan ako pero pigil iyong bumagsak. Parang pinipiga ang puso ko lalo pa nang mabilis niya akong hapitin sa batok para yakapin sa kanyang isang braso habang buhat si Troi sa kabila, his nose landed on my hair and he gasped for another heart wrenching quiet sob that broke my tears out easily.
Tipid akong napangiti at kusang bumagsak ang mga luha dahil doon, his arm feels like home of salvation and fulfillment. I can't understand how my heart suddenly turns out very fragile. Binaon niya ang aking mukha sa kanyang dibdib at mas niyakap kaming dalawa ni Troi, sakop kami ng kanyang mga braso. Hinalikan niya ang aking buhok at sinunod niya ang pisngi ni Troi. Suminghap siya at nagpigil ng kanyang emosyon kahit na bumabagsak ang mga luha. Napasinghap ako at mas lalong umiyak.
"I'm sorry..." he whispered tenderly.
"N-No. I'm sorry f-for everything." Iling ko sabay tingala sa kanyang mukha, his quiet tears are streaming down his red cheeks.
Wala naman siyang kasalanan, naalala ko ang huli naming pag-uusap at alam kong siya pa ang nagpapahinto sa pag-andar namin ni Chi noong gabi upang masundo sa isang safe na lugar. I know how he tried to get us but it was late, nauna na ang aksidente kesa sa kanya pero wala pa rin siyang kasalanan doon. Accident happens unintentionally and unexpectedly in any time.
"I'm sorry for believing everything happened..." he whispered as he looked at Troi and kissed his forehead. Marahan niyang nilapag si Troi sa passenger seat at nilagyan ng seatbelt, pinahiran niya ang basang pisngi ni Troi dahil sa pag-iyak.
"Are you mad, Papa?" Troi asked sadly.
Tumitig si Elos sa kanyang mukha, labis na lungkot ang nakita ko sa kanyang mga mata dahil sa kalagayan ni Troi.
"Never, son." he answered. "I-I'm just really sorry for believing I lost you both and for being late to save your Mom that day of tragedy. H-Hindi sana kayo..." Umiling siya at nagyuko ng ulo, hindi tumuloy sa sasabihin.
Suminghap ako at napayuko ng ulo. Oh God, I can't believe I'd feel this way too much around Elos Villareal and his broken eyes just really destroyed my stonewall. Parang ngayon ko lang siya muling nakita pero iba na ang epekto noon sa sistema ko. Sinasaktan ako sa maraming paraan pero ramdam ko ang kakuntentuhan, kung mararamdaman ko ang sakit na ito mula sa kanya ay hindi ako magdadalawang isip na magtiis basta nakikita siya sa harapan kasama ang anak namin dahil iyon ang magiging lakas at siya ring kahinaan ko kung mawawala.
Umalis kami ng ospital na tahimik sa sasakyan, Troi is the only one talking to his father while driving. He looks so jolly, he's making his father cool down.
"You know what, Papa, I have a Daddy Saint-"
"Troi." tawag ko, nakaramdam ako ng hiya dahil doon lalo nang kusang tumaas ang isang kilay ni Elos kahit na hindi siya nakatingin.
Troilus giggled.
"But he's just a friend of Mama, I guess? They're never been married because Mama doesn't like the idea of being married and I really thought Daddy Saint as a real father but I began getting confused 'cause my classmates were always telling me we're not look alike even a bit. Same as what the nurses and doctors said around the hospital whenever Daddy Saint isn't with me."