Phase 21

91.5K 3.2K 2K
                                    

Phase 21



Pinili kong manatili, I texted my mom she doesn't need to take me. Dadamhin ko nalang ang kasiyahan ni Daddy sa pamilyang mayroon siya ngayon nang sa ganoon ay hindi niya maisip na hindi ako masaya sa kanyang desisyon. Though, I'm not really happy about it. Hindi lang dahil masakit ang katotohanang nakita ko ang mga kislap sa mata ni Daddy dumagdag pa ang detalyeng si Antonia at ang ex ni Elos ay iisa at walang pagdududa, siya ito.

Nakakainis, nakakainis ang liit ng mundong ito para ganito pa ang mangyari. Bakit hindi nalang ibang babae ang naging anak ng bagong kakasamahin ni Daddy? Ang sakit na ngang may bago siyang pamilya at mas masaklap pa na si Antonia ang anak nito.

Insecurities invaded my tongue directly to my veins and arteries until it poisoned my heart up to my head that's bringing me into the deepest sea of my black and white emotions. All of my good senses have taken away from me, gusto kong sumigaw at magmakaawa kay Daddy na bumalik nalang sa amin. Na kami nalang ulit tatlo nila mommy gaya ng dati, but it will never be fair for them because they have their own happiness now while I'm still stuck in the middle of bitterness and sadness for our family.

Ganoon talaga, 'no? Sa bawat pares na taong maghihiwalay ay may maiiwan sa pagitan at iyon ang sasalo ng sakit at kalungkutan sa kanilang desisyong wala akong naging parte, they just decided for me. They did not ever ask me how I would feel knowing we're parting ways, naiwan lang ako kung saan ako tanggap. Wala akong choice kundi ang manatili sa taong tumanggap.

Paano kung parehas na nilang ayaw sa akin? Paano kung hindi rin ako tanggap ng mommy ko na isama sa kanyang magiging bagong buhay? Saan ako pupulutin? Saan ako sisiksik? Saan ako matatanggap?

I don't know, but it is very unfair for the children at the end. Mga anak ang nahihirapan oras na magdesisyon ang mga magulang na maghiwalay, ang sakit na sinanay tayong kumpleto pero sa huli pala ay sisirain din.

It's just so fucking unfair!

Ginala ko ang tingin sa art room ni Daddy, niyaya niya akong umakyat pagtapos ng aming pagkain sa ibaba. Huminga ako ng malalim at lumapit sa isang painting kung saan naroon si Daddy, Chelle, Antonia at isang lalaking hindi pamilyar pero batid kong kapatid ni Antonia dahil sa pagkakahawig.

Kinagat ko ang aking kuko habang nakatitig doon, ang isang kamay ko ay humaplos naman sa pintang iyon. My nose tightened while looking at their happy faces, they look so complete and content with their life. Magkakasama at tila isang pamilyang totoo, hindi nagmula sa ibang ama kundi sa aking ama mismong bunga.

"That was Toni's painting, isn't she very good?" Dad chuckled.

Nagtiim bagang ako sa paninikip ng aking dibdib, why my Dad's so insensitive? Can't he feel my pain right now? Can't he feel my insecurities towards his "new daughter"? Can't he just compliment me while I'm here? Sila naman ang parating magkasama at kaya niyang puriin iyon sa susunod pang araw, bakit ngayon pang nandito ako?

Damn it.

"You almost have the same way in painting. I know you'll do great! You'll be a known painter as what you're dreaming when you were just a kid. Just keep it up, nak!" he chuckled.

Tears run down my cheeks, I instantly wiped and rubbed my eyes. Iniwas ko ang tingin sa pinta, sumakto naman ang masayang pagpasok ni Antonia sa pintuan. Naupo agad siya sa isang upuang katapat ng easle stand at isang canvas board.

She smiled when she saw me.

"I heard you're good at painting! Ikaw daw palagi ang nananalo sa mga contest sa school ninyo sabi ni Papa."

My chest tightened, pilit akong ngumiti at tumango sa kanya. She called him Papa. What a nightmare! I didn't expect it, pwede namang Tito, ah? Bakit kailangan Papa? Can't she get her own father?

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon