Phase 26

92.3K 3.1K 1.9K
                                    

Magsabaw muna kayo kokak

Phase 26

Pinaghila ako ng upuan ni Ansel nang makapasok kami sa restaurant, humalik muna ako sa pisngi ni Daddy na may tuwa na naman sa mukha nang makita ako. Nginitian ko lang si Chelle na nagbalik din ng matamis na ngiti.

Wala si Antonia sa lunch ngayon, madalas naman siyang wala kapag ganitong kumakain kami sa labas at naiimbitahan ako pero kapag nakikita ko naman silang pamilya sa litrato ay naroon siya. Naisip ko rin na baka iniiwasan niyang makasama ako pero malabo iyon dahil wala naman kaming naging iringan kahit kailan.

Sa halos dalawang taon kong tinatanggap na hindi na talaga mabubuo ang pamilya namin ay nakapanatagan ko na ng loob si Antonia lalo na kapag nabibisita ako sa kanila rito sa Maynila, mayroon din kasi silang bahay dito na buwan-buwan lang pinupuntahan at doon ako pinabibisita lagi ni Dad. Si Ansel ang madalas kong makasama lalo na at nalipat siya ng ospital ngayon sa Maynila. So far, I like our interactions more than with Antonia and Chelle.

"W-Wala si Antonia?" pabulong kong tanong kay Ansel nang maupo na rin sa aking tabi.

Nakasunod ang tingin ni Chelle sa aming dalawa, kinalabit lang siya ni Daddy kaya nawaglit ang tingin sa amin ni Ansel.

He shrugged.

"Did you see her here?" he asked scornfully.

I glared at him, ngumuso siya para magpigil ng ngisi bago ako inabutan ng kanin. Nang hindi ko tanggapin ay siya mismo ang naglagay sa aking pinggan, nag-init ang pisngi ko kaya mabilis kong kinuha iyon sa kanya para magserve sa aking sarili.

Ansel is always doing this! Hindi ako masanay sanay lalo pa at ang tingin ng mama niya ay parang tigreng kuryoso sa sariling anak. Nang masulyap ako kay Chelle ay bahaw siyang ngumiti sa akin at inalis ang tingin para sa kanyang pagkaing sarili. Bumuntong hininga ako at matalim na sinulyapan si Ansel, he's just acting naturally while serving himself, inabot niya pa ang ilang ulam sa akin.

"We'll be having dinner tonight, I want you to be with us. Naroon si Antonia at ang nobyo niya." Dad said in the middle of our lunch.

I smiled at Dad and nodded. "Sure, Dad."

"Ikaw ba, hindi mo ba iimbitahin ang nobyo mo mamaya?" mapanukso niyang tanong.

"C-Can I bring someone, dad?" nahihiya kong tanong.

Dad's eyes broadened in bewilderment.

"Why not, honey? Of course, you can bring your boyfriend so I can get to know him."

Ansel's forehead wrinkled instantly.

"Diba sabi mo wala kang boyfriend?"

Kumurap-kurap ako, suminghap si Chelle at matalim ang mga matang binalingan si Ansel. Hindi iyon napansin ni Ansel dahil nakatitig ito sa akin. Natawa si Dad sa reaksyon niya.

Kinagat ko ang labi at tumango sa kanya.

"Uh, I'll bring Deneero, Dad."

"Oh, Deneero Follosco? Kayo na noon, anak?" ani Daddy.

Ansel just mocked a chuckle and avoided our topic, nagpatuloy siya sa pagkain na tila walang naririnig.

"Hindi, Dad. Magkaibigan lang po kami, gusto ko lang pong isama dahil excited siyang makilala ka. His grandmother loves your painting so much, he wants to meet you." I chuckled.

Naalala ko si Eero, panay ang kuwento niya kung gaano kagusto ng Lola niya ang paintings ni Dad noon. Nahinto nga raw sa pagbili ng paintings simula noong nawala na sa larang ng pagpipinta si Daddy, and now Eero wants to know Dad personally. Heto siguro ang pagkakataon na puwede ko siyang maisama at maipakausap kay Dad. Ngayon palang ay natatawa na ako dahil siguradong magpapapicture pa siya at magpapapirma!

Villareal #4: Flowered SeascapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon