Phase 22
Mom cried when she saw my hair that day. I just smiled at her and said I really like a new look for this year, hindi ko na hinayaan pang masermonan niya ako kaya umakyat din ako sa silid para magkulong at mag-isip.
"What did you— oh my God, honey!" Mom's voice when she saw me, she covered her mouth with her palms and her tears poured down.
I'm actually hating myself for making my Mom sad but I don't really want my long hair now. Bukod sa magkatulad kami ni Antonia ay ayaw ko na talaga sa mahabang buhok upang mas gumaan ang pakiramdam ko sa lahat. Mas naaalibadbaran ako kapag mahabang buhok, mas lalo akong naiinitan at naliliitan sa mundo ko. Pati na sa sarili ko.
Pumasok ako ng school sa sumunod na araw, I didn't face Elos last night. Nasabi lang ni Mommy sa akin kaninang umaga na nagpunta si Elos, she told him I was asleep already kaya umuwi rin agad. Mom cried again that morning, hindi niya ako sinabayan sa umagahan, I guess she's still hating what I did to my hair.
Habang naglalakad patungong Art building ay nakasalubong ko ang grupo nila Zarjiel, kabilang si Elexius at iba pang kakilala. Nagkatinginan sila sa isa't isa pero nanatili ang seryosong tingin ni Zarjiel, huminga ako ng malalim at niyuko ang aking ulo. I walked straightly, nilampasan ko sila nang walang pinapansin o nginitian man lang.
Hindi naman kailangan parati ko silang ngingitian o ano, wala ako sa mood na makipag-usap o ngumiti ngayong oras kaya mas ayos na iyon. Besides, we're not really friends. Si Elos ang kaibigan nila, hindi ako. I wonder if they knew Antonia? Siguro kaya parang sanay din sila sa aking presensya dahil magkatulad lang din kami ni Antonia.
Wala pa sa kalahati ng paglagpas ng daanan namin ay napasinghap na ako sa paghila ni Minther sa aking braso. He instantly tilted his head while watching me, nangunot ang noo ko sa kanyang ekspresyong walang pinapabasa.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kaswal na tinig.
"Break na kayo?" he asked naturally and looked at my hair.
Mas lalong nalukot ang noo ko.
"Paano mo naman nasabi?" natatawa kong tanong.
"Para kang nagmomove on, e." he chuckled.
"Really? Dahil sa buhok?" I asked scornfully and looked away.
Ang mga nadadaang tao ay panay ang tinginan sa aming dalawa at paglampas ay nagbubulungan na habang nakairap. Siguro inaakala nila na sobrang landi ko ngayon, mayroon pang mga ngumingiwi. People... bahala na kayo.
He chuckled bleakly. "No, your eyes."
"Tss, ano namang alam mo. Bitiwan mo na nga ako, papasok na ako."
"Sungit." aniya sabay bitaw sa akin. "Break na nga kayo?"
"Bakit ba tanong ka ng tanong? Bakit may irereto kang bago sa kaibigan mo?" I smirked. "Ayos lang, reto mo."
"Wala pa nga, bitter na." pabulong niyang sinabi, nang-aasar.
"Ano!?" singhal ko at tinaliman ang tingin sa kanya.
He laughed roughly. "Anyway, your hair looks cute but the face... never mind."
Hinampas ko ang bag sa kanya sa sobrang inis, as if I'm making him like me! Humalakhak siya at sinalag ang paghampas ko.
"Elos have a very great news to you today, Metry. Check the graduating list on the bulletin board." he smirked and walked away.
Kagaya ng sinabi ni Minther kahit ayaw ko ay dumaan ako sa main building para tingnan ang listahan ng graduating aeronautical students ngayong taon. Mabuti nalang at konti lang ang tao roon, bawat makasalubong kong galing doon ay maliligaya ang kwentuhan at ang iba naman ay problemado.